Binoe nabwisit sa halikan nina Kylie at Geoff


Meanwhile, kaya pala nag-react si Robin Padilla tungkol sa naging kissing scene ng anak na si Kylie Padilla sa fantaserye nitong Adarna ng GMA 7 ay dahil ni hindi man lang daw sinabihan ng dalaga ang  ama na may halikan sila ni Geof Eigenmann, isa sa mga leading men ni Kylie sa nasabing soap.

Ayon mismo kay Kylie, pinagsabihan siya ng ama in a very unique way. Bulong daw ni Binoe kay Kylie, “Action star ka na kaya’t wala ng kissing scene.” Nagulat man daw ang dalaga ay nauunawaan niya ang damdamin ng ama lalo pa’t nang pasukin niya ang showbiz ay isa yun sa mga unang ipinagbawal sa kanya.

Pero dahil si Kylie naman talaga ang big star ng Adarna at naaayon naman sa takbo ng kuwento ang ginawang lip service ni Geoff, hindi na raw ito lumaki pa though ang feeling daw ni Kylie ay hindi pa rin pabor ang ama.

Nasa huling tatlong linggo na lang ang Adarna na napapanood gabi-gabi saTeleBabad block ng Kapuso network. Wala pang balita kung ma-i-extend ito pero ready na ang grupo na parehong masaya at malungkot sa nalalapit nilang pagtatapos.

Bukod kina Kylie at Geoff, kasama rin dito sina Mikael Daez, Benjamin Alves, Solenn Heussaff at marami pang iba. Sa tanong namin kung mauulit pa ang kissing scene ng dalaga sa kahit sinong leading man niya ay napangiti na lang ito.

Read more...