SINABI ni Lito Banayo, dating administrator ng National Food Authority (NFA), na di niya kilala ang suspected rice smuggling king na si David Bangayan, alyas David Tan.
Lumala ang rice smuggling noong panahon ni Banayo bilang NFA head.
Imposibleng hindi nakilala o nakasalamuha ni Banayo si Bangayan o Tan dahil kahit sa Bureau of Customs ay kilalang-kilala siya.
Si Banayo ang nagbigay ng permit para sa importation ng bigas na ginamit ng maraming beses ng rice traders.
Para namang mga batang musmos ang kaharap ni Banayo nang itinanggi niya na kilala niya si David Tan.
Mga kadalagahan, dapat mag-isip nang matagal bago magpakasal sa isang lalaking guwapo at mukhang machong-macho.
Hindi lahat ng mukhang macho ay lalaki; marami sa kanila ay bading.
Ito ang mapait na karanasan ng aking inaanak na si Leslie na nakapangasawa ng isang lalaking akala niya ay macho.
Nabuntis si Leslie ng isang Tsinoy na sportsman na tanyag sa leisure sports at napilitan siyang magpakasal dito.
Huli na nang malaman ng aking hijada na ang kanyang napangasawa ay isang playboy na mahilig sa kapwa lalaki.
Sabi ni Leslie sa akin, hiniwalayan niya ang kanyang asawa dahil dalawang beses lang silang nagtalik: ang una ay noong siya’y nabuntis at ang pangalawa ay noong siya’y nagdadalantao.
Mestiza ang aking inaanak at sing-ganda siya ng kanyang ina na angkan ng mga mestizo’t mestiza. Seksing seksi ang aking inaanak.
Bakit di siya ginagalaw ng kanyang asawa? Dahil bading nga. Ang hilig ay makipag-espadahan sa kapwa lalaki.
Ang masakit pa nito, ayaw suportahan ng bading ang kanyang anak kay Leslie.
At pilit nitong kinukuha sa aking inaanak ang kanilang anak na two and a half years old.
The man’s family has hired the services of a law firm which has connections with Malacañang.
Ewan ko lang kung makukuha nila ang bata sa aking inaanak dahil sa ilalim ng batas, ang bata na may wala pang pitong taong gulang ay dapat sa pangangalaga ng babae kapag nagkahiwalay ang mag-asawa.
Pero kaya naman daw ng pamilya ng lalaki na makuha ang bata dahil mababayaran naman daw nila ang sino mang judge na hahawak ng kaso.
Ang aking inaanak at ang kanyang supling ay nasa ama, na aking matalik na kaibigan, at kanyang ina na isang cancer victim.
Dapat maging aral sa mga lalaking mahilig ang kaso ni Brig. Gen. Noel Miano, hepe ng AFP Munitions Control Center.
Si Miano ay sinuspendi ng anim na buwan dahil sa sexual harassment ng kanyang sekretarya.
Mismong si Gen. Emmanuel Bautista, AFP chief, ang nag-utos na suspendihin si Miano na kanyang classmate sa Philippine Military Academy.
Tayong mga kalalakihan, huwag naman nating taluhin ang mga babae na ating kasama sa opisina.
Marami akong nababalitaan na mga lalaki na tinatalo ang mga babaeng mas mababa ang ranggo sa kanila sa opisina.
At marami rin akong nababalitaan na mga propesor na tinatalo ang kanilang mga estudyante.
Por Dios, por santo! Napakarami ng babae sa labas, bakit pa tinatalo ninyo ang inyong mga kasamahan?
Mga kababaihan, kapag kayo ay sine-sexually harass ng inyong boss o propesor, dumulog kayo sa aking programang “Isumbong mo kay Tulfo.”
Ang aming mga hotlines ay 451-24-02; 470-17-50; 0921-238-64-23.
Hindi lang namin kayo tutulungang sampahan ng kaso ang mga manyakis na boss o propesor ninyo, ipahihiya pa natin sila.