Honesto nina Paulo at Raikko 3 na linggo na lang sa Dos

PAULO AVELINO AT RAIKKO MATEO

Punong-puno ng pag-asa ang karakter ni Paulo Avelino sa top-rating drama series ng ABS-CBN na Honesto na muling mabubuo ang kanilang pamilya sa kabila ng pagkamatay ng kanyang inang si Lena (Angel Aquino).

Sa hangaring maitama ang pagkakamali ng kanilang pamilya, desidido na si Diego (Paulo) na ilantad ang mga kasinungalingan ng ama niyang si Hugo Layer (Joel Torre). Mababago pa ba ni Diego ang buhay ni Hugo ngayong balak nitong ipaghiganti ang pagkamatay ni Lena?

Ano ang kanyang gagawin kapag nalaman niya na si Marie (Cristine Reyes) ay kasabwat rin ng kanyang ama? Mas mabubuo ba ni Diego ang kanilang pamilya sa oras na matuklasan niyang si Honesto (Raikko Mateo) ay kanyang anak?

Huwag palampasin ang huling apat na linggo ng Honesto, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Speaking of Paulo, bakit kaya parang wala na tayong nabalitaan sa panliligaw niya kay KC Concepcion? Pagkatapos nga nitong umamin na nililigawan niya ang anak ni Megastar Sharon Cuneta ay tila hindi na tayo nakarinig ng latest update tungkol sa kanila?

Tuloy pa kaya ang panliligaw, o waley na? O, baka naman may something na sa pagitan nila?

Read more...