John Lloyd naaksidente sa bike, mukha kailangang tahiin

 

JOHN LLOYD CRUZ

Tinahi ang isang bahagi ng kaliwang mukha ni John Lloyd Cruz matapos maaksidente kanina sa Sta. Juliana, Capas, Tarlac.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, naganap ang insidente habang nasa shoot ng station ID ng Kapamilya network ang aktor. Kinukunan daw ang eksena ni Lloydie habang nagba-bike nang aksidente itong natumba. Unang tumama raw ang mukha ni John Lloyd sa lupa.

Agad na isinugod sa ospital ang aktor at doon binigyan ng first aid treatment.
Ayon sa Star Magic, wala nang dapat ipag-alala ang mga fans ni John Lloyd.

Kailangan daw sumailalim muna si John Lloyd sa CT scan para masigurong walang na-damage sa kanyang ulo. Medyo shock pa raw si John Lloyd nang lagyan ng apat na stitches ang kanyang sugat (left nostril) na pinasukan ng maliit na bato.

Read more...