Maria gusto na uling magkadyowa: Bukas na bukas ang pinto, pati mga bintana! Pero wala!

MARICEL SORIANO

KITANG-KITA sa aura ni Maricel Soriano na masayang-masaya siya sa kanyang desisyon na lumipat na sa GMA 7. Inamin ni Maria na sobrang nasaktan siya sa nangyari sa kanya sa ABS-CBN pero naka-move on na raw siya rito.

Nakachika namin ang Diamond Star matapos siyang pumirma ng one-project contract sa Kapuso network, next month, magsisimula na ang taping nila para sa seryeng pagsasamahan nila nina Dingdong Dantes at Lovi Poe with working title Ang Dalawang Mrs. Real.

“Excited na excited ako kasi maganda yung story. Ibang set ng mga kabataan naman yung mga makakatrabaho ko ngayon. Alam ko ito ay magiging masaya,” pahayag ni Maricel.

Chika pa ng Diamond Star, sa paglipat niya sa GMA, gusto niyang puro positive vibes lang kaya ayaw na niyang pag-usapan ang nangyari sa kanya sa ABS-CBN last year.

“Lahat tayo pwedeng mag-move on. Positive na lahat. Gusto ko maging happy ako. At gusto ko silang lahat makatrabaho. Masarap maging masaya,” aniya.

Ayon naman sa GMA executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, “We’re very happy na pumayag siya sa project na ito. We’re looking forward sa tagisan ng acting ng show na ito na dapat abangan ng mga manonood. She is a precious actress na makakadagdag sa drama ng GMA. At sana maging pleasant na experience sa kanya ang maging isang Kapuso. We look forward na mapanood natin siya sa telebisyon sa mga susunod na buwan.”

Natanong naman si Maricel kung meron bang lalaking nagpapasaya ngayon sa kanya dahil nga ang ganda-ganda ng aura niya, tugon ng award-winning actress, “Sana nga meron, kasi bukas naman ang pinto saka mga bintana. Kailangan bang kumaway pa? Ha-hahaha!”

Hirit pa ng bagong Kapuso star, “Pero hindi pa talaga. Gusto ko namang maging ganu’n sana.”

Read more...