Vice susugurin ni Yael Yuzon sa Showtime, galit na galit sa bakla

KARYLLE , YAEL YUZON AT VICE GANDA

FINALLY ay nagsalita na si Vice Ganda kung ano talaga ang dahilan ng pagtatampo niya kaibigan at co-host sa It’s Showtime na si Karylle.

Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA noong isang araw ang tungkol sa isyu na base sa kuwento ng espiya namin sa ABS-CBN at sinang-ayunan naman ito agad ng TV host-comedian.

Sa post-Valentine blowout ni Vice para sa entertainment press noong Miyerkules ng gabi ay ayaw pa sanang magkuwento ang komedyante, pero makulit ang lahat ng dumalo kaya napilitan na rin siyang magsalita.

“Ayaw kong magsinungaling kaya ayaw kong pag-usapan, yes meron hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kinikibo, pero hindi ako galit sa kanya, teka asan ba ‘yung handler ko (sabay linga).

“O, sige ikukuwento ko para maliwanagan ang lahat, unang-una, may trabaho kaming dapat gampanan, pangalawa, hindi ako galit sa kanya (Karylle), naiilang lang ako.

“Baka mapagalitan ako ng management, di bale aalis naman ako. Mawawala naman ako. Ha-hahaha!” natatawang sabi ni Vice. Dalawang linggo siyang mawawa sa bansa dahil pupunta siya sa Amerika.

“Ayokong sabihing, ‘Yes we’re okey,’ tapos eventually hindi pala, ayoko namang masabihang, ‘Sinungaling ‘tong baklang ‘to!’ Ayoko ng ganu’n. Okay na ‘yung hindi ako maganda, pero ayoko ng sinungaling.”

“Nagsimula ang tampuhang ito na sobrang minor lang talaga, parang victory party ng ‘Girl Boy Bakla Tomboy’, lahat ng mahahalagang tao, malalapit sa akin, mahal kong tao in-invite ko, tapos hindi nakapunta si K. Meron kaming group chat na mga host sa Showtime, tapos hinanap siya nina Vhong (Navarro), at Anne (Curtis), ‘Nasaan ka na?’

“Una niyang dahilan, ‘Hindi naman ako invited.’ Tapos sabi nila Vhong, ‘Paanong hindi ka invited, e, lahat invited?’ At saka paano mo nasabing hindi ka invited, e, nandoon ka nu’ng in-invite tayo.

“Tapos sabi niya (Karylle), ‘Wala kasi akong driver.’ Iyon ang sumunod niyang sabi. Tapos sinabi nina Vhong, ‘Tutal malapit ka naman dito, gusto mo sunduin ka na lang.’

“Tapos ‘yung sumunod na dahilan niya, ‘Tinatamad kasi ako.’ So, na-offend ako bilang malapit na kaibigan ni K, kasi kung hindi siya malapit sa akin, hindi ako mao-offend kasi hindi naman lahat nakapunta, eh. Pero dahil mahal ko at malapit sa akin, nagtampo ako.

“Kung hindi na lang niya siguro sinabi kung ano ang dahilan niya, baka okay lang. Pero kung ‘yung friend mo sinabihan ka sa importanteng araw na iyon, parang nakakalungkot.

“Talagang nalungkot ako, sabi ko nga sa friend ko, ‘Bakit ganu’n, alam niyang mahalaga sa akin ito, eh? Itong ‘Girl Boy Bakla Tomboy’, na-stress ako dito, nahirapan ako dito, tapos nag-invite ako kasi gusto kong i-share ang saya ko sa inyong lahat na dapat nandito siya kasi kasama siya sa movie (cameo role) tapos ang ibibigay mong dahilan, ‘Tinatamad kasi ako?’
“So dinedma ko, after no’n, hindi ko siya pinapansin. Pag ako nagtampo, sobrang normal lang ‘yun.

“Tapos nu’ng nangyari ‘yung kay Vhong, sabi ko, ‘Okay since may isyu tayo dito sa Showtime, I have to lead the group, I have to stand kailangan nating ayusin itong grupo, dedma na muna ako sa personal kong tampo kay K. Magtrabaho muna tayo, so okay na kami.

“Tapos may nakarating na naman sa akin na sobra akong nasaktan na isang beses nag-absent si K (sa Showtime), maysakit daw siya, tapos nakita siya ni direk Bobet (Vidanes), hindi ko alam kung saan. Tapos sabi sa kanya ni direk, ‘O, anong ginagawa mo rito? Sabi mo may sakit ka, ini-echos mo naman pala ako? Tapos kinausap siya ni K, sabi raw, ‘Umiiwas kasi ako dahil sobrang nao-offend daw si Yael (Yuzon), parang nahe-hurt siya at hindi niya matanggap na sa rami ng puwedeng i-pair up kay K, bakit bakla pa? Tapos, sobra na siyang pissed-off na anytime sasabog na at susugod daw sa studio, kaya sabi ni direk Bobet, ‘Sige subukan niyang sumugod sa studio.’

“Hindi naman sa pag-aano, sabi ni direk Bobet sa kanya, ‘Dapat nga nag-thank you pa kayo kay Vice dahil di ba, nakakatulong sa inyo pareho ‘yung love team ninyo, nakakapagpakilig kayo ng tao, nakakapagpasaya kayo.’ Nu’ng sinabi sa akin iyon ni direk Bobet sobra akong nalungkot, anong offensive sa pagiging bakla ko, di ba?

“Mayroon tayong I am Pogay, may That’s My Tomboy, kasi ini-empower natin ang mga dating minority, para ma-acknowledge sila tapos nakaka-offend dahil ang ka-loveteam ng girlfriend mo ay bakla?

“Nalungkot ako ro’n kaya hindi ko siya pinapansin. Sabi ko, ‘Sige ganu’n pala, e, di hindi ako didikit sa kanya, baka bugbugin ako ng jowa dahil baka sumugod pa rito, iwas na lang.

“Tapos, ipinaalam ko iyon kay K na ganito nakarating sa akin, ganyan-ganyan, tapos sinabi niya hindi raw totoo, tapos sabi ko, ‘Kung wala kang sinasabi, hindi tayo ang may isyu, kayo ni direk Bobet, mag-usap kayo,” kuwento pa ni Vice.

Read more...