Sa kwarto lang kami laging nagkikita ng dyowa ko! – Vice

VICE GANDA

Sa ngayon, medyo okay na raw sina Karylle  at Vice kahit paano. Pero pahabol ni Vice, hindi niya pipilitin na maging okay sila ni Karylle dahil ayaw naman niyang lokohin ang mga tao.

And about his lovelife naman, “I want my lovelife to remain private”, ani Vice Ganda. He admitted na hindi sila nakakalabas ng bansa o kahit out-of-town man lang ng kanyang dyowa. Sa kanyang kwarto lang daw sila lagi nagkikita.

Naniniwala kasi siya na kapag bumandera ang relasyon niya sa guy na ito ay ‘yun na rin ang katapusan ng kanilang relasyon kaya ingat na ingat siya sa pag-handle sa kanilang love affair.

Offstage, tinanong ko siya kung sila pa rin ba hanggang gayon ng isang young athlete na balitang-balitang dyowa niya, “As of presstime, hindi na. Ha-hahaha! Basta, minsan labas nga tayo at magkape!” lambing ni Vice sa akin. We may just go out one of these days for old time’s sake.
Ipinakilala ko si VG sa kaibigan kong tilapia magnate from Talisay, si Ineng Natanauan. Gusto kasing makita nina Ineng at mga pinsan niyang balikbayan si VG bago sila tumuloy ng isang comedy bar para panoorin si Allan K that night.

“Ay gusto ko iyan. Dapat padalhan niyo ako ng kahit isang banyerang tilapia lang every month. Ha-hahaha!” magiliw na sambit ni Vice habang nakipagkodakan sa mga bisita ko.

Vice Ganda was so much fun that night. Na-enjoy ko siya in fairness. Wala kasi siyang self-baloon nu’ng gabing iyon. Seems like VG has mature for the better. Konting echos na lang, perfect na siya. Hayaan ninyo, paaalalahanan ko iyan from time to time pag nagkikita kami.

Read more...