Marathon sa panaginip

Sulat mula kay Aimi, ng Barangay Gayola,  Kidapawan City
Dear Sir Greenfield,
Nagma-marathon ako sa panaginip.  Tatlong gabi ko nang napanaginipan ito sa buwan na ito.  Malinaw na palagi raw akong kasali sa marathon.  Ano ba ang ibig sabihin nito?  Sa aking pagtakbo ay wala nang humahabol.  Naka-schedule akong umalis pa-Middle East ngayon taon, ayon sa agency.  Matutuloy kaya ako?  Ako’y ipinanganak noong Nob, 25, 1989.
Umaasa,
Aimi, ng Barangay Gayola, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malawak at maayos ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, ng isang mabunga na “marathon” at mabiyayang pangingibang-bansa, na tinatayang magaganap sa taon ito hanggang 2015.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling natuloy ka sa pangingibang-bansa ay isang lalaking kasing edad mo rin ang iibig sa iyo.
Sagot sa sulat ni Aimi, ng Barangay Gayola, Kidapawan City
Problema:
1.      Nagma-marathon ako sa panaginip.  Tatlong gabi ko nang napanaginipan ito sa buwan na ito.  Malinaw na palagi raw akong kasali sa marathon.  Ano ba ang ibig sabihin nito?  Sa aking pagtakbo ay wala nang humahabol.
2. Naka-schedule akong umalis pa-Middle East ngayon taon, ayon sa agency.  Matuloy kaya ako?  Ako’y ipinanganak noong Nob, 25, 1989.
Umaasa,
Aimi, ng Barangay Gayola, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 1.) ang nagsasabing isang kaibigang Taurus ang tutulong sa iyo upang mas madali kang matuloy sa binabalak mong pag-a-abroad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing susuwertehin ka sa mga lalaking isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23 at malamang na isa sa kanila ang mapapangasawa mo sa iyong pagbabalik sa ating bansa. Samantala, tinataya namang sa taon 2014 hanggang 2015, may isang mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Dream Interpretations:
Ang tumatakbo sa panaginip ay nangangahulugan ng “pagsisikap”. Sa partikular, ang pagsisikap na ginagawa mo sa ngayon ay may kaugnayan sa “career”. Ibig sabihin, kahit walang humahabol sa iyo ikaw ay tumatakbo, nangangahulugan lamang na sa panahong ito patungo ka na sa “finish line”. Ibig sabihin ng “finish line”, patungo ka na sa isang matagumpay at maalwang pamumuhay. Ang panaginip mo ring tumatakbo ay tanda ng isang matagumpay na career o hanap buhay sa hinaharap.
Huling payo at paalala:
Aimi ayon sa iyong kapalaran, ang panaginip mong nagma-marathon ay kasiguraduhang magtatagumpay ka sa career. Kaya nga tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap sa taon 2014 hanggang 2015, sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre matutuloy ka sa binabalak mong paga-abroad at ang nasabing paga-abroad ang magiging simula upang marating mo ang “finish line” ng iyong destinasyon – isang maalwan at maunlad na bukas.

Read more...