Sulat mula kay Xeli, ng Barangay Awasian, Tandag City
Problema:
1. Malakas naman ang aking sex appeal at kahit 30-anyos na ako ay may sumisipol pa naman kapag dumadaan ako. Minsan ay naiisip ko na mag-madre na lang ako. Pero, hindi maaari dahil may nararamdaman pa ako sa katawan ko at nakararamdam pa rin naman ng init. Ang sabi ng best friend ko, wala raw akong dating sa lalaki.
2. Pero, isa lamang siya sa nagsasabi ng ganoon. Hindi ako naniniwala dahil maganda naman ako, hindi nga lang pang-Metro Manila. Medyo conservative beauty. Kailan ba ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sa tunay na pag-ibig na lang ang aking pag-asa na lumigaya. Huwag naman sana akong tumandang dalaga.
Umaasa,
Xeli, ng Barangay Awasian, Tandag City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsa 18 ang darating sa iyong buhay sa susunod n taon 2015, kung saan, ang lalaking ito ang una at huli mong magiging boyfriend.
Physiognomy:
Ang cute na hugis o maliit na hugis ng iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking medyo pahaba ang hugis ng mukha ang iyong magiging boyfriend at tuluyan naring mapapangsawa.
Graphology:
Upang tuluyang matupad at ganap na mangyari ang mga pag-aaanlisang tinuran sa itaas, alisin mo ng malaking bilog na kumukulong sa iyong lagda. Ang malaking bilog kasi ang nagiging hadlang upang ikaw ay tuluyan ng magka-boyfriend. Sa halip, na kulungin sa bilog ang iyong lagda na nalilikha ng pagbabalikwas sa direksyong kaliwa ng pinaka-paa ng letrang “a”, pasibatin mo na lang patungong kanan ang pinaka-paa ng letrang “a”. Sa ganyang inobasyon ng lagda, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Huling payo at paalala:
Xeli, ayon sa iyong kapalaran, sa taon ito ay hindi ka pa magkaka-boyfriend, subalit sa susunod na taon 2015, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na sa itaas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong magiging boyfriend, na nagtataglay ng birth date na 18, na may initial na J.A. kung saan, ang lalaking ito ang magiging boyfriend at mapapangasawa mo.
Sinisipulan pa naman (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...