FEELING namin, may hindi kagandahang nangyayari sa relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. E, kasi nga, nang makachika siya ng entertainment press sa presscon ng bagong horror movie ng Regal Films na “Third Eye”, tila may “bitterness” sa kanyang mga salita.
Kinumusta ng mga reporter si Carla tungkol sa Valentine celebration nila ng kanyang dyowang si Geoff ang sagot ng dalaga, “Wala, wala po…ganoon naman. Palagi namang ganoon. Okay lang.”
Sunod na tanong, may regalo ba sa kanya ang Kapuso actor noong Feb. 14? “Wala, walang gift, walang flowers, wala ni isang pirasong Kisses. Hindi kami ganu’n.”
Pero may plano ba silang mag-celebrate ng post-Valentine’s day? “Post-celebration? Siguro in 10 months,” biro ng aktres na parang may ibig sabihin.
Hindi ba siya naiinggit sa ibang couple na talagang looking forward sa pagse-celebrate ng Araw ng mga Puso? Sagot niya, “Wow, good for them! Yun ang nakasanayan nila, yun ang practice nila. E, hindi kami ganun.
Yun lang yun. Hindi kami ganu’n, e, hindi kami katulad ng iba.” Hindi ba siya naghahanap ng romance sa relasyon nila? “Ay, lahat naman ng babae, gusto ng romance!
Lahat ng babae, mahilig sa romantic films na nakikita nila sa pelikula, mga Prince Charming, ganyan. Pero hindi na siya uso ngayon, matanda na tayo,” chika pa ni Carla.
Ibig sabihin tanggap niya na hindi romantic ang dyowa niya? “Oo. Kasi matagal ko nang tanggap yun na ganoon siya. Matagal na akong sanay. Tsaka, hindi na kailangang pag-uusapan? Okay na, sanay na.
Ganoon kami. Okay, kebs!” sabay tawa ng Kapuso leading lady. Dito hindi na nakatiis ang press, kaya diretso na siyang tinanong kung bitter ba siya? “Hindi, bakit naman ako magiging bitter?
E, di ibibili ko sarili ko ng chocolates! At saka, matagal ko na pong tanggap yun.” Anyway, showing na sa Feb. 26 ang “Third Eye” ng Regal Entertainment directed by Aloy Adlawan.
Makakasama rin ni Carla sa horror-suspense movie na ito na sina Denise Laurel, Ejay Falcon, Camille Prats, Alex Medina, Boots Anson-Roa at Dimples Romana.