Alam naman nating hindi naman siya gumagawa ng storyboard ng kanyang endorsements pero sana ay tumulong naman siya sa pagpapalaganap ng sarili nating wika.
Hindi naman kailangang maging hardcore makabayan tayo pero sana naman, kung may mga opportunities for her to speak our language in some instances, sana ay ‘yun ang gamitin niya.
Alam naman nating Inglesera talaga siya pero since ang kapatid niya ay Pangulo ng Pilipinas, hikayatin naman niya ang taumbayan na magsalita sa sarili nating wika – and more to it, patronize Filipino products.
Akala ko ba’y kasama sa advocay niya ito noon – ang pag-patronize ng sariling atin?
A few years ago she made announcements to buy Filipino products.
Sa tingin n’yo ba gumagamit siya ng Pinoy products? Palagi niyang pinangangalandakan ang mga imported niyang gamit – from bags to watches to muebles.
Kung pansinin pa niya ang hindi niya kasing-yaman sa mga isinusuot ng mga ito sa TV, ganu’n na lang. Kaya we felt her kaplastikan sa tuwing nakakarinig kami ng ganitong issues on her.
Ang nakakaloka pa, yung TV ad nila ni Bimby para sa isang gatas, akala niya cute yung pagiging inquisitive ni Bimby like, “What’s sulit?” and other questions in English.
Tapos sasagutin naman ni Kris ng English. OA na sa Inglesan. Mano ba namang mag-Tagalog na lang sila nang diretso? Kaloka! You don’t blame the child here dahil bata iyan – kung ano ang ituturo sa kanya ay ‘yun ang susundin niya, pero ang nanay niyang nagmamarunong palagi, dapat ay nagsa-suggest din nang tama.
Napansin lang ng marami kong friends ito and I agree. Parang may mali nga somewhere. Sana ay huwag naman itong masamain ni Kris. Gusto lang naming makatulong siya sa pagpapaunlad ng sariling atin.
Anyway, may pelikula na naman siya this coming Metro Manila Film Festival. Isang horror film na naman na feeling niya she is best at. Well, how can you disagree when she thinks she’s always right.
“Baka presyurin na naman niya ang mga friends niya from showbiz and politics na bumili ng tickets sa pelikula niya tulad ng ginawa niya the last festival. Ibang klase ring tumrabaho ang kampo ni Kris, ‘no?
May nakapagsabi kasi sa akin noon na sinabihan niya ang ilang mayor na bumili ng tickets sa movie niya para kumita sa takilya. Siyempre, pag isa kang public official, dala ng pakikisama kaya bibili ka.
“Kasi nga presidente ang kapatid niya. Pag hindi ka bumili, chances are baka pag-iinitan ka. Magkano ba ang binili ni Mayor Strike Revilla last time? Si Mayor Junjun Binay? Kasi naman, sino ba naman ang magkakainteres na manood ng pelikula ng isang ham actress?” pagtataray ng isang kakilala namin.
Talaga? Hindi ko alam iyon, ah. Naririnig ko lang ang kuwentong iyan pero hindi ko na-confirm. Well, tingnan na lang natin this year kung uubra pa ang style nila.