Si Maricar Reyes naman ngayon ang sinasabing third party sa hiwalayan nina KC at Piolo.
Ang tsismis, nahuli raw ni Boy Abunda na nag-date sina Maricar at Piolo. Ni hindi nga raw pinansin si Boy ng dalawa kahit na nakita na nila ito. As in talaga raw dinedma diumano nina Maricar at Piolo ang TV host na parang may gustong itago.
Well, this is nothing but a rumor. We will never buy it. Unang-una, both Maricar and Piolo know Boy so what would be their reason para isnabin nila ang pamosong TV host?
Ang dagdag pang tsika, si Boy raw ang nagsabi kay KC na nakita niyang nag-dinner sina Piolo at Maricar. Talaga lang, ha?
Ang nagtataka kami, bakit nagagamit yata si Boy sa split up nina KC at Piolo? Alam ba niya ito? Pero sabi nga, walang usok kung walang apoy. Kayo na ang bahalang humusga kung sino ba ang apoy at kung sino ang usok! Ha-hahaha!