‘Magic Temple’ nina Daniel at Kathryn ilalaban sa MMFF 2014


Nagtatalu-talo ang supporters ng KathNiel sa social media dahil ayaw nilang magbabu na sa ere ang Got To Believe sa Marso 7.
Pero may mga supporters naman sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakakaintindi na kailangan na talagang tapusin ang serye dahil may gagawing pelikula ang dalawa.

Ayon sa ibang supporters ng magka-loveteam, “Maraming reason kung bakit hindi na mae-extend ang G2B, let’s be happy na lang para sa kanila dahil marami silang blessings.

Ang unang dahilan daw ay, “Sa March magsisimula na ang shooting ng pelikulang ‘She’s Dating The Gangster’ na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Mahirap magdirek ng teleserye at pelikula at the same time with the same cast, sige nga isipin ninyo?” Pangalawa, “Sa Paris (France) ang location ng ‘She’s Dating The Gangster,’ so isipin natin, paano makakapag-taping ng Got To Believe kung nasa Paris sila?

Pangatlo, “By April, may Europe tour si DJ with Yeng Constantino, halos nasa Europe siya half-of-the month at April din ang second concert niya sa Araneta Coliseum.

Habang nagre-rehearsal siya ay nagsu-shooting sila.  Kung isisingit pa ang taping, e, baka maging zombie na sila.” At ang pang-apat na rason daw ay, “Kung 3 to 4 months ang shooting ng pelikula nila, probably, mga between June or August ang showing ng movie, pagkatapos ay magsu-shoot na ulit sila ng movie for MMFF, ‘yung ‘Magic Temple’.

Kaya isipin natin na hindi na talaga kakayanin pang i-extend ang G2B.”

Read more...