Iba’t-ibang klase ng almoranas

GOOD afternoon, doktor. Magtatanong lang po ako. Dalawang beses po akong dumumi nga-yong araw, at dalawang beses din na may dugo ang dumi ko. Meron din po akong nakitang dugo sa underwear ko? Ano po kaya ang ibig sabihin nito? Salamat po, doc. — ….5146

Maaaring meron kang Almoranas o HEMORRHOIDS. Malamang Internal Hemorrhoids ito dahil dumudugo. Ito ay kakaiba sa Thrombosed External Hemorrhoids na ang uunang sintomas ay kirot at sakit sa pamamaga.

Ang Grade I Internal Hemorrhoids ay hindi pa nakakapa ang bukol sa labasan ng tumbong su-balit maari na itong magdugo.
Ang pagdudugo ay dumadami at pumapatak kapag umiiri.

Ang Grade II ay lumalabas na pero kusang bumabalik sa loob.

Ang Grade III ay kailangan ibalik sa loob ng tumbong sa pamamagitan ng pag-tulak dito.

Ang Grade IV ay hindi na naibabalik at dahil dito mas malakas ang pagdugo.

Ang Grade III-IV ay nagagamot sa pamamagitan ng surgery o operasyon. Meron namang ibang kaso na nakukuha ito sa pamamagitan ng Daflon.

At paaano nga ba makakaiwas sa ganitong uri ng karamdaman?

Iwasan na maupo ng matagal sa trono, maupo lamang at umiri kung pakiramdam mo ay lalabas na ang dumi.

Iwasan ang maaanghang na pagkain dahil makakadagdag ito sa hapdi.

Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang constipation na siyang lalong nagpapahirap sa pag-iri at pagdumi.

Kapag ang pagdudugo ay sobrang dami, isipin na baka hindi lang Almoranas ito kundi maaring nanggagaling na sa bituka.

Dito kakailanganin ang Proctosigmoidoscopy at Colonoscopy para makita kung may nagdudugong bukol

Tanong ko lang po anong gamot sa Almoranas, dati kasi pag dumudumi ako ay may kasamang dugo pero hindi naman po lagi.

Kung minsan lang po. Noong isang araw po galing ako sa CR at naramdaman ko pong masakit puwit ko kasi may lumabas na.

Natatakot na ako kasi baka kung ano na ito at sobrang sakit po at dumudugo pa. Sa ngayon parang lumiliit na siya. Tanong ko lang pag merong almoranas pwede po ba akong magbuntis? Hindi kaya lalong lumala ito. – Kris, Leyte, ….2078

Kris, mayroon kang Mixed Hemorrhoids. Huhupa din ang pama-maga nito sa pamamagitan ng Hot Sitz Bath, Daflon, Analgesics and Anti-inflammatory.

Hindi naman problema ang pagbubuntis subalit tandaan na maaring lumaki at lumala ang Almoranas habang nagdadalantao hanggang sa makapa-nganak.

Doc, ano po bang klaseng sakit yung mga tumutubo sa iyong puwet tapos di naman masakit pero tuwing dumudumi ako wala namang luma-labas na dugo.  Ang akin lang ay may bukol yung puwet ko at lumalaki kasi noon maliit lang ito ngayon malaki na.    Salamat po. -… 4966

Ang tawag dito ay “ANAL TAGS”. Ito ay ang mga panlabas na Almoranas (External Hemorrhoids) na gumaling na. Huwag kang mag-alala, hindi na iyan sakit at walang kailangan gawin dyan.

Read more...