Angel tsinugi sa bagong pelikuka ni Vhong


Hindi na nakasali si Angel Locsin sa pelikula sana nila ni Vhong Navarro sa Star Cinema dahil sa seryeng The Legal Wife.
Nanghihinayang ang katsika naming taga-Star Cinema na hindi na matutuloy si Angel bilang leading lady ni Vhong dahil sa sobrang kabisihan ng aktres.

Dapat kasi ay noong nakaraang taon pa inumpisahan ang shooting ng pelikula pero sobrang busy naman ni Bb. Joyce Bernal na siyang direktor nito, mas inuna kasi niyang tapusin ang “10,000 Hours” ni Robin Padilla para nga sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Nang umokey na si direk Joyce ay si Vhong naman ang hindi pumuwede dahil nga sa kinasangkutan nitong iskandalo. Kinailangan munang magpagaling ni Vhong mula sa pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee at inasikaso pa nito ang pagsasampa ng kaso laban kina Cedric at Deniece Cornejo.

At ngayong puwede na si Vhong, si Angel naman ang bisi-bisihan, “Hindi kakayanin ni Angel na pagsabayin ang taping at shooting, baka naman wala nang maibigay ang lola mo.

At saka ayaw naman di naming pumangit siya sa movie, ‘no?” say pa sa amin ng isang taga-Star Cinema. Tiyak na malaki ang panghihinayang ni Angel dito dahil pangarap niyang makasama si Vhong sa pelikula dahil gusto niyang ituloy ang tambalan nila na nabuo nga sa sitcom nila noong Toda Max.

Ang balita naming, isa si Jessy Mendiola sa posibleng pumalit kay Angel. Dagdag kuwento pa ng aming source, “Nakakatawa nga, kasi nauna pang nabugbog si Vhong nina Cedric Lee sa condo, e, may eksena talaga kaming bubugbugin si Vhong ng buong magdamag hanggang umaga. Baka isipin tuloy, ini-spoof namin ‘yung nangyari kina Vhong at Cedric.”

Read more...