Piolo naka-jackpot kay Toni, nakabawi sa pagsadsad ng career


NAKABAWI na nga si papa Piolo Pascual. Ito ang konklusyon ng maraming sumusubaybay sa kanyang karir lalo pa’t swak na swak ngayon sa panlasa ng milyun-milyong moviegoers ang karakter’ ni Papa P sa tumatabong “Starting Over Again”.

“Siya talaga ang hari ng romcom. Aminin nating sa husay niyang iyan at kaguwapuhan, may sadyang perfect project for him,” tsika ng isang amiga naming nauna nang nakapanood ng movie nila ni Toni Gonzaga.

“Big fan kami ni Papa P eversince, pero sa mga ganitong movie siya talaga masarap at nakaka-enjoy panoorin,” hirit pa ng isa. Of course malaking tulong si Toni sa success ng pelikula lalo pa’t ito nga ang kauna-unahan nilang pagsasama sa isang proyekto matapos ang ginawa nilang softdrink commercial mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Naging positive din ang emote ng mga paying patrons sa takbo ng kuwento na ibang-iba sa usual Star Cinema romcom movies. At marami rin kaming naririnig na papuri para kina Iza Calzado, Beauty at siyempre pa para kay direk Olive Lamasan.

Kaya congratulations sa lahat ng bumubuo sa movie  and as we write this, balitang umabot na sa mahigit P200 million ang kita nito.

Read more...