NAGSASABI ng katotohanan si Ruby Tuason pero hindi ito dapat sukatin sa kabuuan. Malinaw sa kanyang testimonya sa Senate blue ribbon committee na ang katotohanang alam niya ay batay lamang sa kung ano ang kanyang personal na kaalaman ayon na rin sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga pangalang kanyang binanggit sa pagdinig.
Ang pinakamalinaw ay sa punto ng narrative at recollection niya mula’t sapul nang mag-ugnayan sila ni Janet Lim-Napoles at ni Senator Jinggoy Estrada. Sapul, personal knowledge, pero kapos sa detalye sa kung magkano ba talaga ang napuntang kickback sa senador.
Maaaring dito makalusot ang senador sa sandaling nasa korte na ang usapin. Kung ang ibabalik niyang P40 milyon na komisyon ang pagbabatayan, aba’y madaling isipin na tiyak na mas malaki ang matatanggap ng mismong may karapatang magpasya sa pondong kanilang pinagsamantalahan.
Alangan namang mas mababa ang sa mambabatas kaysa sa go-between lamang? Kung kuwento ni Ruby Tuason ang pagbabatayan, mas maingat si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
May buffer siya sa katauhan ni Atty. Gigi Reyes habang si Senator Jinggoy, kung kuwento ni Ruby Tuason ang pagbabatayan, siya ang sinasabing direktang tumanggap ng pera in several occasions and in different places.
Naniniwala akong konsiyensiya ang nagtulak kay Ruby Tuason na magsalita. Ngunit may isa pang bagay na nagpadali ng kanyang desisyon.
Sa kanya ring kuwento sa Senado, nagkausap sila ni Senador Jinggoy at tinanong niya kung ano ang magagawa nitong tulong para sa kanya na ang isinagot daw ng senador, malutong na “Wala!” That did it.
Conscience and absolution came in handy, but it was the rejection that pushed the decision to speak. Rejection in a way is betrayal.
Kung hindi siya sinagot ni Jinggoy na “wala” at sa halip ay nagtulungan sila, may kunsiyensiya man, may pangangailangan man sa panig niya na linisin ang kanyang kunsiyensiya, maaaring nanatili siyang tahimik sa kanyang nalalaman.
Betrayal is also what pushed Benhur Luy. Isipin mo, ipadukot ka ba naman ng taong ginawa mo na ang lahat para pagtakpan ang kanyang mga ilegal na gawain?
Betrayal too sa pananaw ni Janet Lim Napoles na sa tingin naman niya ay pinagnakawan siya ng pera ni Benhur Luy.
And what motivates betrayal? Greed!
Ang pagka-ganid ng mga players sa kuwentong ito ang siyang dahilan kung bakit nagawa nila ang ginawa nila. Iyon din ang dahilan kung bakit nagsimula silang kumanta at ilantad sa atin ang himig ng isang karumaldumal na pananamantala sa kaban ng bayan.
At habang narito ako sa punto ng kataksilan, sasamtalahin ko ang isang panawagan sa isa pang pangalan na makapagbibigay ng dagdag na linaw sa kuwentong ito ng pananamantala sa Priority Development Assistance Fund.
Ang panawagan ay para sa iyo Pauleen Labayen. Marami kaming nakakilala sa iyo. Nagsimula ka bilang Jr. Reporter na nakatalaga sa PNP at AFP, sa Defense Beat na kung saan tayo nagkakilala noong early ‘90s.
When Jinggoy became mayor of San Juan, you joined his team as Media Officer. Wala na akong masyadong nadinig mula sa iyo mula noon, maliban lamang nang muli kitang makita sa Facebook.
Bago mo inalis ang FB account mo, nag send ako ng message, kako, kung gusto mo nang magsalita, andito lang ako, handa na ikaw ay kapanayamin.
Kung lalabas ka Pauleen, sana sa paglabas mo, balikan mo ang mga unang taon ng iyong pagsisimula sa mundo ng media at public relations.
You very well knew that the basis of our existence is the truth and we who knew you especially in your formative years as a member of the media expect you, should you decide to come out, tell nothing but the truth.
Lahat may takdang panahon. Hindi habang panahon ay magtatago ka at mananahimik. Labas na Pauleen. Magsalita ka na.