WALA nang dahilan pa upang sabihin na si Manny Pacquiao ang siyang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang paghaharap nila ng pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr.
Sa rematch nina Pacquiao at WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 ay napapayag ang Kongresista ng Sarangani sa random out-of-competition drug testing na gagawin ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Noon ay puamayag din si Pacquiao na nagpapa-drug test pero ito ay hinahawakan ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA). Matatandaan na noong sinisimulan ang usapin para sa sagupaan nina Pacquiao at Mayweather ay lumutang na isa sa kondisyon ng huli ang walang humpay na drug testing.
Ayon kasi kay Mayweather ay gumaga-mit si Pacquiao ng mga ‘performance-enhancing-drug’ na pinabulaanan naman ni Pacquiao. Hindi pa bumabagsak sa mga naunang testing ang pambansang kamao at ngayong pumayag siya na hawakan din ng WADA ay tuluyang matatapos ang usapin na unang inilabas ni Mayweather.
Ang Top Rank ang siyang gagastos sa testing na ito na katatampukan ng pagsusuri sa exogenous testosterone at mga performance-enhancing drugs tulad ng anabolic steroids.
“For a big fight like this, you have to have the best testing,” wika ni Bob Arum sa Las Vegas Review Journal. Nasa $35,000 ang gagastusin ng Top Rank sa drug testing na ito pero maliit na halaga lamang ito dahil sa magandang epekto nito sa boxing.
“On a multimillion dollar promotion like this, it’s justified,” wika ni Arum. “The fans need to know that they’ll be seeing two clean athletes inside the ring on April 12.”
Samantala, nagsimula na ang training camp ni Pacquiao sa General Santos City. Pakay ni Pacquiao na makaganti kay Bradley na idineklarang panalo via split decision nang una silang magkasagupasa Las Vegas noong 2012.