Piolo, Toni aagawin ang titulong Box-office King & Queen kina Lloydie at Sarah

Kumabig na sa P200 million ang “Starting Over Again” sa loob lang ng limang araw kaya umaasa ang Star Cinema na tataas pa ito sa susunod na mga araw. Kaya kinukumpirma na naming aabutan na ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo pascual ang “Girl Boy Bakla Tomboy” na siyang may hawak ng number one record ngayon sa movie industry.

Dalawang linggo ipinalabas ang pelikula ni Vice Ganda noong Metro Manila Film Festival 2013 na umabot sa mahigit na P400 million kasunod ang “My Little Bossings” nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Bimby na susundan ng “It Takes A Man and A Woman” nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Hindi naman imposibleng kumita ng P200 million sa limang araw dahil sa 300 na sinehang palabas ang “Starting Over Again” ay pawang full pack nitong weekends at saksi kami sa SM North Edsa at Gateway Mall na talagang paikot na ang pila ng tao na naghihintay makapasok sa sineha.

Dahil dito, posibleng sina Toni at Piolo ang tanghaling Box-Office King & Queen sa susunod na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Teka, tama ba ang narinig naming tsika, magpapa-block screening daw si Vice ng Starting Over Again? Bossing Ervin, di ba pag nagpa-block screening, may kita rin, so makikihati pa rin si Vice sa kita ng “Starting Over Again”?

( Photo credit to Google )

Read more...