James gamit na gamit sa mga gimik ni Kris


Nagulantang si James Yap nang biglang magbago ang ihip ng hangin, nagulat ang basketbolista kung bakit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumambot sa kanya si Kris Aquino, ano raw ba ang nangyayari?

Takang-taka ang tatay ni Bimby, ano raw kaya ang nakain ng aktres-TV host at biglang kung ano-anong paborableng mensahe para sa kanya at tungkol sa kanya ang ipino-post ni Kris sa kanyang Twitter at Instagram.

Para masagot nang diretso ang emosyon ni James at ang mga kababayan nating nagtatanong kung bakit ay isang malapit dati kay Kris ang aming kinausap. Bakit nga ba biglang kambiyo si Kris ngayon?

Simulang litanya ng aming source, “Kayo naman, para naman kayong ipinanganak kahapon! Para namang hindi n’yo kilala si Kris! Bago pa ba naman ‘yun? Ngayon pa lang ba niya ginawa ang ganyan? Nakakapanibago ba ang pagbabait-baitan niya kay James?

“Magaling tumiyempo si Kris. ‘Yun ang meron siya na wala sa ibang personalities. Timing talaga ang meron siya. Kapag hindi na siya napag-uusapan, magaling siyang tumayming.

“Tingnan n’yo, nakapasok sa finals ang team ni James, malaking karangalan ‘yun para sa tatay ni Bimby, di ba? Aba, kailangang umeksena si Kris, kailangang nasa positive side siya, kailangang maging mabait siya kay James para mapag-usapan din siya!

“Himatayin na ang may gustong himatayin diyan, pero eeksena at eeksena si Kris, makikisali siya sa usapan, kasi nga, nawawalan siya ng papel. E, pinag-uusapan ngayon si James, di ba? Kaya kailangan, join din siya!” mahabang pahayag ng isang dating close kay Kris.

Nakakaloka! Ganu’n lang ba ‘yun? Para lang siya mapag-usapan na kakambal ang pangalan ni James Yap, sadya siyang magpapapansin? Nakakaloka!

( Photo credit to Google )

Read more...