SERYOSOHAN pala ang tsikang may tampuhan sina Vice Ganda at Karylle na akala namin ay playtime lang. May isang taga-Showtime na nagkuwento sa amin na totoong hindi nagkikibuan ang dalawa at sabi sa amin, kapag hindi agad nakapag-usap sina Vice at Karylle ay baka mas lumala pa ang away nila.
Nag-umpisa raw ang tampo ni Vice kay Karylle ng hindi ito dumalo sa blow-out niya, “Kasi inindiyan ni Karylle si Vice nang mag-treat siya (nakalimutan namin kung para saan ang blow-out). Kasi may lakad daw kuning.
“So, nagtampo si Vice. Okay na sana, kaso may nagparating sa kanya (Vice) na sinabi raw ni Karylle na naiilang siya at may hinampo rin dahil bakit daw siya inila-loveteam sa isang bading, siyempre, naloka si Vice!” sabi pa sa amin
Napa-huh! kami kasi base sa pagkakakilala namin kay Karylle ay hindi naman siya nagsasalita ng hindi maganda sa kapwa niya.
Tanda nga namin maski na anong pang-ookray namin sa kanya ay wala kaming maririnig na sagot niya na hindi maganda at kami na ang nahihiya kasi ngiti lang lagi ang reaksyon niya.
At naloka raw si Vice kay Karylle dahil, “Siyempre, na-shock si Vice, kasi bakit may ganu’ng isyu? E, ang tagal na nilang magka-loveteam at click nga ‘yun sa Showtime, bakit ngayon lang siya nag-react ng ganu’n?”
May punto rin naman, dahil napapanood din namin minsan na nag-eenjoy din si Karylle kapag naglalandian sila ni Vice, di ba bossing Ervin? (Oo nga! Minsa nga nagki-kiss pa sila, di ba? – Ed)
At ang dagdag na tsika pa, “E, baka naman hindi galing kay Karylle ang isyung bakit siya ipinapareha sa bading kundi galing kay Yael (Yuson), siyempre lalaki ‘yun, parang nakakainsulto na sa bakla ipina-partner ang babaeng mapapangasawa niya sa susunod na buwan?”
Ay, nakikisawsaw si Yael? Parang hindi naman maganda ‘yun. Hmmmmm, matanong nga si Vice Ganda sa isyu nila ni Karylle. Paging Vice, pa-interview naman po.
( Photo credit to Google )