Dulce pinaligaya ang mga Senior Citizen sa QC

WE had a wonderful night last Feb. 14 at Bistekville in Payatas, Quezon City with Mayor Herbert Bautista para i-celebrate ang Valentine’s Day sa piling ng mga senior citizens and  otherresidents nito and some very generous celebrities natin who took time out to join us and perform to everyone’s delight.

Alam naman kasi natin that our senior citizens don’t have so much access and resources para makapanood ng Valentine shows na naglipana sa bawat sulok ng ka-Maynilaan kaya kami na mismo ang nagdala ng free show sa kanila para haranahin sila.

Binitbit namin ang mga kaibigan at anak-anakan naming sina Dulce, Jimmy Bondoc, Michael Pangilinan, Inang Willy Jones, host Makki and the comic duo Le Chazz and AJ Tamiza and some members of the entertainment press plus TV crew ng GMA 7, TV5 and ABS-CBN to cover the charity event – napakasarap panoorin si Mayor Herbert na nag-aabot ng red roses sa mga senior ladies habang kumakanta with his guitar si Jimmy Bondoc.

Ang sweet ni Bistek habang kayakap ang mga lola natin sa ibaba ng stage. Merong isang matandang babae na umiiyak habang tinatanggap ang long stem ng rose from the good mayor and she whispered to him, “Mula nang mamatay ang asawa ko, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin mayor,” anang ginang.

Jimmy was so gorgeous that night – bagong haircut kasi eh or baka blooming lang ito sa kaniyang lovelife, di kaya? He was at his best element habang iniikot ang buong area kung saan nandoon ang mga lolo’t lola natin.

Kahit meron pa siyang isang event na hahabulin that night ay nag-stay muna siya for a while at nagpa-kodakan sa mga tagahanga niya. What a trooper, di ba?

Halos dumugin naman ng young audience ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala nating si Michael Pangilinan. Panalong-panalo ang kaniyang “Kung Sakali”, “Hanggang” at “Dance With My Father” numbers. Iba ang magic ng guwapitong ito. Maraming kinilig sa kaniya.

Talagang hasang-hasa na si Michael sa pagharana ng mga girls. Meron siyang kinuhang isang dalagita, niyakap a kinantahan niya ito. Hiyawan ang mga naroon nang magpaalam si Michael sa mother ng bata kung puwede niyang regaluhan ito ng isang kiss sa pisngi.

Panay naman ang yakap ng matatandang ginang natin kay Inang Willy Jones as he sang his old favorites lalo na ang “My Way” na kinatatakutang kantahin ng kahit sinong singer dahil sabi raw ay nakamamatay ang song na ito. Ha-hahaha!

Nu’ng bumanat sina Le Chazz at AJ Tamiza ng comic act nila, hagalpakan ang audience sa katatawa. Kaya palagi naming kinukuha ang tandem na ito sa aming mga shows dahil talagang sumasakit ang tiyan ng bawat manonood pag bumanat na sila sa entablado. Maliban kasi sa maganda ang boses nilang dalawa, bongga talaga ang banter nila.

Nakakabaliw ang dalawang baklitang ito. Hindi kami nagsasawang panoorin sila kahit araw-araw pa. At nang umarangkada si kafatid na Dulce ng “Dandansoy” medley niya at sinundan pa ng  “Paano Kung Wala Ka Na” at “Maalaala Mo Kaya”, naku, wala na.

She broke the house down. World-class ang ginawa niyang performance kaya naman tutok na tutok ang mga lolo’t lola natin. Parang hindi sila makapaniwala na nanonood sila ng isang bonggang Valentine show without leaving their Bistekville homes.

Kami ni Makki ang nag-serve as hosts. Kahit hindi ako sanay sa live shows naramdaman kong napakainit ng pagtanggap nila sa amin. Kaya hayun, nairaos naman namin ang aming munting regalo sa kanila.

Masarap tingnan ang matatamis na ngiti sa mga labi ng ating mga magulang na naroroon. We felt soooo good na meron tayong napasayang grupo sa Bistekville, Payatas sa mismong Araw Ng Mga Puso.

Maraming salamat sa mga artists na kahit fully-booked on Valentine’s Day ay nakuhang isingit ang event naming ito since we started naman early. Maraming salamat sa artists, sa technical team, sa mga barangay and senior citizen officials, members of the entertainment media and sa inyo Mayor Herbert Bautista at mga taga-Bistekville for the warmth accommodation. We truly love you. Mwah!

Read more...