Arci Muñoz natakot, biglang umurong sa pagpaparetoke ng ilong


Iwas agad si Arci Muñoz na intrigahin sila ni Jasmine Curtis na karibal niya kay Daniel Matsunaga sa telemovie ng TV5, ang “The Replacement Bride” sa direksyon ni Mac Alejandre.  Wala raw silang isyu ni Jasmine para pag-awayin.

And even sa role nila sa “The Replacement Bride,” hindi naman daw  malditang kontrabida ang role niya. “Actually, martir nga ‘yung character ko rito, e. Sobrang love niya si Daniel pero dahil sa  ginawa ni Jasmine, may matututunan siya (Daniel).

Hindi ko pwedeng sabihin ‘yung ending pero martir ‘yung karakter ko rito. Hindi siya salbahe. Actually, maaawa talaga sila sa karakter ko,” pahayag ni Arci. Samantala, mukha ni Arci ang nakalagay sa isang enhancement treatment sa ilong ng isang beauty clinic.

Tuloy iisipin na  nagparetoke ng ilong si Arci. “Ay, hindi.  Kumbaga ‘yun ‘yung specialty nila (nu’ng beauty clinic) kaya ako ang nilagay nila. Pero gusto kong i-try siya before. There’s nothing wrong, it’s for enhancement. Open kasi ako sa ganoon, e.

Actually, kaya rin ako napunta sa kanila kasi ‘yun ang insecurity ko. Pero hindi ko na rin itinuloy,” esplika ni Arci.  Natakot daw siyang magpaayos ng ilong. Tinray na raw niya dati. Hindi naman daw masakit pero ayaw niyang i-endorse ang ganitong treatment sa mga kababaihan.

“Hindi ko  naman ini-encourage ‘yung ibang girls. Maintain lang nila ang natural beauty nila. Ako kasi, confident lang ako. As much as possible, mas maganda pa rin talaga  ‘yung natural looks,” diin niya.

( Photo credit to Google )

Read more...