Marian, Dingdong nagpakaligaya sa isang isla sa Mauban, Quezon

DAHIL sa mga naglabasang larawan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga social media na kuha noong Valentine’s day, mas dumami pa ngayon ang naniniwala na posibleng kasal na nga ang dalawang Kapuso royalties.

Grabe! As in halos lahat ng nakakita sa mga litrato nina Dingdong at Marian sa kanilang Valentine date ay inggit na inggit sa sobrang sweetness ng dalaa – kuha ang mga ito sa Balesin Island, sa Mauban, Quezon Province kung saan nga nag-celebrate ng Araw ng mga Puso ang magkasintahan.

Isa nga sa mga nakakakilig na pictures ng magdyowa ay makikita sa pahina na ito na mula sa Instagram ng dalawa, na ni-repost naman ng grupo ng kanilang fans na DYnamics DongYan kaya agad na kumalat sa Facebook at Twitter.

May caption itong: “Full of love…#DongYan!” Ayon sa ilang supporters nila, mas tumibay ang mga balita tungkol sa pagpapakasal daw nina Marian at Dingdong noong Disyembre, 2013.

Sa kabila ng pagtanggi ng magdyowa tungkol sa kasalang naganap diumano sa ibang bansa, mas marami ang naniniwala na mag-asawa na nga ang dalawa. Pero para sa amin, talagang ganyan lang ka-sweet sina Dingdong at Marian sa isa’t isa, naniniwala kaming hindi nila ipagdadamot sa publiko kung sakaling magpapakasal na sila.

Samantala, kasama ring nagbakasyon nina Marian a Dingdong sa Balesin Island ang pinsan ni Dong na si Carlo Gonzales at ang girlfriend nitong si Luane Dy. Sa Instagram account naman ni Luane namin nakita ang picture nila ni Carlo sa isang swimming pool kasama sina Dingdong at Mariam.
Ang nasabing picture ay may caption na: “Kwatro Kantos ala Mykonos #balesinisland.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...