IBA rin ang presence ng mahal nating sister na si former Miss International ‘79 na si Melanie Marquez. Hindi talaga maililihim everytime she’s in town dahil iba kung umeksena ito. Hindi naman niya sinasadya ang mga lumalabas sa bibig niya pero talagang likas na nakapagpapasaya siya ng maraming tao because of these.
In short, her bloopers are incomparable. Walang tatalo kay Ining Melanie. Nu’ng una, hindi ko pa alam that she’s in town dahil sa pagkakaalam ko kasi, nasa Utah pa siya para magpahinga dala ng natamo niyang pain sa car accident sa States that almost cut her life.
Pero nang magkausap kami ni kaibigang Mario Dumaoal a few days ago, he mentioned to me na nasa bansa si Melanie. Kinagabihan, before I went to our “Mismo” program ni Papa Ahwel sa DZMM, I called her para kumustahin.
“Na-miss kita, Ining (as she fondly calls me too). Last week lang ako dumating kasama ang mga bata. I’m home now. Nag-judge ako kanina sa Pogay (pogay talaga ang pag-pronounce ng lola Melanie ninyo. Ha-hahaha!” aniya sa akin.
Sinabi ko sa kaniya na hindi “pogay” iyon – ang pag-pronounce noon ay po-gey, “Ganoon ba? Kaya pala tawanan sila nang sabihin ko iyon. Meron nga akong pagkakamaling isa pa.
Kasi sabi ko, mabuti naman at hindi nagkaroon ng complications doon sa pagkaaksidente ko dahil malamang na parasite na ako. Paralyze pala ang dapat. Ha-hahaha! Hayaan mo, what is important ay naintindihan naman nila, di ba,
Ining? Basta na-miss kita and I love you very much,” aniya sa akin. Nu’ng isang araw naman ay meron na naman daw itong blooper habang nagdya-judge sa It’s Showtime.
Sinabi nga nitong “chupable lips” daw si Anne Curtis na ginawa na namang classic joke ng mga baklush. Nilinaw daw bigla ni Melanie na merong kendi na “chupa” something which she might refer to “chupa-chups” na lollipop.
Tawanan daw talaga ang lahat. Sumakit daw ang tiyan ni Mamu Andrew de Real ng The Library nang mapanood niya at marinig ang sinabing iyon ni Melanie. Ganyan si Ining Melanie. No dull moment kaya she’s so loved.
“Hirap kasi ako mag-Tagalog kaya I speak in English,” ang palagi niyang paliwanag dahil Kapampangan nga siya, di ba? Pero sa pagkasabi niyang ito, akala mo ay English teacher siya, ha!
Ganoon ka-confident ang super-love kong ito kaya palagi na lang kami nagtatawanan pag magkasama. But the one thing that you will truly love about her, she is a genuine friend.
Hindi marunong mangtraidor – wagas kung magmahal ng kaibigan. Kaya kami ay mag-Best Friends forever. Promise!
( Photo credit to Google )