James ayaw pang ipakilala si Bimby sa Italian girlfriend


Ayaw pa ni James Yap na magkita at magkakilala si Bimby at ang girlfriend niyang Italian na si Michaela Cazzola. Feeling kasi ng PBA player, hindi pa ito ng tamang panahon para mag-bonding ang dalawa sa nga pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Sa isang interview, sinabi nadarating din ang araw na yun,  “Hindi muna dahil siyempre matagal kong hindi nakasama yung anak ko. Solo muna, moment namin dalawa, mahirap naman yung madistract pa yung bata so kami lang tatlo nina Josh.”

Nagkita kahapon ang mag-ama sa birthday celebration ni James, at bago ito inamin ng cager na kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ng anak matapos ang halos limang buwan,  “Merong kaba, kasi siyempre hindi maiiwasan yung ilangan kasi kahit anak mo yun hindi mo maiwasan dahil matagal mong hindi nakasama. Kailangan may mangyari na talaga ngayong Sabado (kahapon).”

Dugtong pa ng dating mister ni Kris Aquino, sana raw ito na ang simula ng regular na pagkikita nila ng anak at isa nga sa mga birthday wish niya ay ang tuluy-tuloy na pagkakaayos nila ni Kris.

“Iyan talaga ang wish ko na sana maging okay na lahat kasi mahirap yung pinagdaanan namin. Kaya sana ito na yun na okay na lahat. Ito rin naman yung pinegpepray ko dati na maging okay ang lahat kasi mahirap ang magkaaway ‘di ba?

May anak kami eh, buti sana kung wala bahala na ‘di ba? “So sana siguro magkabati kung hindi man siguro ngayon in the future. Siyempre malaki na din yung anak namin, nagkakaisip. Mas nakakahiya naman sa anak namin kung yung nanay at tatay niya nagaaway ‘di ba? Baka kami yung paluin sa pwet,”  sey pa ni James sa interview ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...