Ai Ai matindi pa rin ang sama ng loob kay Kris


Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga bati sina Ai Ai delas Alas and Kris Aquino at mukhang matatagalan daw bago maka-get over daw si Ai Ai sa nangyari sa kanila ni Kris na nag-ugat lamang sa hindi pagpapadala ng bulaklak at pagpapahalaga ni Kris sa kanilang friendship nu’ng mamatay ang ina ng una.

Nagkataon kasi that Kris was in London that time kaya text lang of sympathy ang pinadala nito sa dating kaibigang Ai Ai. In a way, I saw Ai Ai’s point. May mga okasyon kasing mahalaga sa buhay natin that we expect supposed dear friends na makiisa with us – lalo na pag namamatayan tayo.

We need lang people to condole with us. Hindi naman mahalaga na ang mga materyal na tulong minsan – maramdaman mo lang na buo ang puso ng mga ito sa pag-console sa iyo, di ba?

Iba kasi ang katayuan ni Kris sa buhay – she has people na mauutusan dito sa Pilipinas kahit nasa abroad siya to buy naman flowers for Ai Ai’s mom. Kasi nga, iba kasi ang drama ng friendship nila, hanep ang pagtulong ni Ai Ai noon sa kampanya ni P-Noy when he was still running for president and di ba’t sabi nila ay parang adopted daughter naman siya ni late Tita Cory Aquino?

E, kahit daw si P-Noy ay hindi nag-text man lang sa kaniya ng “condolence” kaya natuon ang pansin ng mga tao kay VP Binay na pumunta pa sa burol at nakiramay. Kami naman, dala ng dami rin naming pinagdaanan that time ay nagkasya na lang ng sincere text message kay Ai Ai when her mom died. And I hope she understood that.

We understand Ai Ai sa sitwasyong ito and I hope she also understands where we are coming from ngayon. Kung ano ang naramdaman niya kay Kris ay medyo naramdaman din namin sa kaniya dahil nu’ng mamatay naman ang older brother ko ay tinext ko siya for some prayers and in fairness to her, wala siyang sagot.

Ni hindi rin siya nagpadala ng text of symphaty sa akin. What’s the difference now? Mas masakit ba pag malaking pangalan ang involved like a KRIS AQUINO? Pero pag tulad naming Jobert Sucaldito lang, oks lang? Just asking, Ai Ai? Thanks ha!

( Photo credit to INS )

Read more...