Pelikula nina Angel at Marian haharangin para di matuloy


AN Angel Locsin and Marian Rivera project is said to be in the offing as Regal matriarch Lily Monteverde is pushing a co-production venture with Star Cinema. Heavy drama yata ang project at nasulat na merong sampalan blues between them.

Maraming fans ang nag-react. May Marian supporters na nagsasabing sana ay ang idol na lang nila ang solong bida. Hindi nagpatalo ang Angel warriors and they felt na hindi sana gawin ng idol nila ang movie because box-office poison si Marianita.

Two flops in a row ang movie nito, nadamay pa nga si Ai Ai delas Alas, ‘di ba? With regards naman sa sampalan blues, baka raw mag-react itong si Angel. Hindi ba’t nagkaroon ng issue ang pagsasama nila sa movie ni Angelica Panganiban at ang feeling yata niya ay tinotoo nito ang pagsampal at pagsabunot sa kanya.

“Not good idea..sampalan nga nila ni angelica p. Napikon na sya…eh kay Marian pa?” maanghang na pananaray ng isang nag-comment.
If we were to say our piece, we feel na hindi naman kailangang magsama ng dalawa.

Actually, baka nga madamay si Angel sa kamalasan ni Marian. We feel na it will not be a win-win situation for Angel. Si Angel mas kailangan ni Marian and it’s not the other way around.

But if the movie pushes through, tiyak na mag-iinit ang mga fans nila sa kaba-bash sa isa’t isa. Wanna bet?

( Photo credit to INS )

Read more...