‘Barker’ sasagasaan ni Duterte

DAVAO CITY— Maka-raang pagbantaan ang mga rice smuggler, drug addict at iba pang kriminal, ang mga “barker” naman na nangmomolestiya ng mga babaeng pasahero at nangongotong sa mga driver ang tinatarget ni Mayor Rodrigo Duterte.

“Shape up or I will have you run over,” ani Duterte sa 41 barker na iniharap sa kanya matapos silang pagdadamputin ng mga pulis sa Uyanguren st. alas-9 ng gabi noong Huwebes.

Ang mga barker ang nagtatawag ng mga pasahero ng jeep at nangungulekta ng bayad mula sa pasahero. Pero sinabi ni Duterte na nakatanggap siya ng reklamo na pwersahang nanghihingi ng bayad ang mga barker gayong boluntaryo lamang ang pagbabayad.

May ilang pagkakataon pa na minolestiya nila ang mga babaeng pasahero na sumasakay ng jeep. “I told you not to touch women, no body contact,” giit ni Duterte.

Sinisi rin niya ang mga barker sa buhul-buhol na trapiko dahil pinapayagan nilang magsakay ng mga pasahero sa gitna ng kalsada.”I understand you need to earn a living, but you’ve been demanding a certain amount from drivers, whose operations are legal, while your activity is against the law,” dagdag ni Duterte.

Read more...