Luis, Angel grabeng maglandian, tuloy na tuloy na ang kasalan


KINILIG at talagang nagtilian ang audience ng game show na Minute To Win It nang ipakita nina Luis Manzano at Angel Locsin ang muling nabuhay na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Grabe ang PDA (public display of affection) ng dalawa sa taping ng nasabing programa kung saan special guest nga ni Luis si Angel bilang isa sa mga contestant.

Mapapanood ang back-to-back episode na ito ng Minute To Win It sa susunod na linggo (Feb. 20 at 21). Dito nga buong tapang na sinabi ni Angel na kapag nagawa niya ang isang partikular na challenge ay magiging sila na uli ni Luis.

Base sa ipinakitang kaswitan ng dalawang Kapamilya stars, siguradong nagkabalikan na nga sila, hindi naman siguro papayag si Angel na yakap-yakapin at halik-halikan ni Luis sa harap ng milyun-milyong manonood kung magkaibigan lang sila. Ano, Cedric Lee at Deniece Cornejo lang ang peg? Ha-hahaha!

Anyway, base nga sa tinginan at kilos nina Angel at Luis, mukhang totoo nga ang sinasabi nila tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal – at hindi basta biruan lang.

Kung matatandaan, mismong si Angel ang nagsabi sa interview niya kay Kris Aquino sa Kris TV  recently na malapit na silang magpakasal ni Luis.
Nagbiro pa nga si Kris na dapat kunin siyang ninang ng dalawa at sana ay sabihan siya nang maaga kung kailan ang wedding at nang makapag-ipon na siya para sa kanyang regalo.

Sa isang interview naman kay Luis, sinabi nitong maaaring ngayong taon o sa 2015 posibleng maganap ang kasalan. Samantala, maglalaro rin sa finale week ng Minute To Win It ang The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, ang Got to Believe stars na sina Ian Veneracion at Benjie Paras, at basketball superstar  Jeron Teng at ang kanyang amang si Alvin laban sa boksingerong si Gerry Peñalosa at ang kanyang anak na si JC.

Sino kaya sa kanila ang magwawagi ng mailap na P1 million jackpot prize? Mapapanood pa rin ang huling linggo ng Minute To Win It, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...