John Prats: Hindi ako yung nag-proposed sa Billboard!

DINENAY ni John Prats na siya ang may pakana ng pinag-uusapang  marriage proposal gamit ang isang billboard sa EDSA. Kumalat sa social networking sites ang nasabing kuwento at marami nga ang nagsabi na si Pratty daw ang nasa likod nito.

Nag-propose na raw ang actor-dancer sa girlfriend nitong si Isabel Oli gamit ang isang malaking billboard sa EDSA. Marami ang nakakita rito habang nakalagay ang mga katagang, “Olivia, will you marry me?”

Olivia Daytia ang tunay na pangalan ni Isabelle at ilang beses na ring napabalitang nagpaplano nang pakasalan ni  Pratty ang Kapuso actress kaya marami ang naniwala na sila nga ang mga bida sa nasabing marriage proposal.

Pero sabi nga ni John Prats hindi pa niya niyayaya si Isabel na mapakasal,  sabi nga niya sa isang interview, “Pag dumating ang araw na yun, siya ang unang makakaalam.”

( Photo credit to Google )

Read more...