Makakasal ba ako?

Sulat mula kay Dina ng Barangay San Isidro,
Kidapawan City
Dear Sir Greenfield,
Bagaman hindi ko tunay na asawa ang lalaking kasama ko, masaya pa rin ako dahil sa akin pa rin siya umuuwi.  May pamilya siya sa ibang bayan.  Nitong mga huling araw, hindi na siya nakakakumpleto ng pitong araw na uwi sa akin.  Nang apat na araw na lang siyang umuuwi sa akin ay nagtaka at nagtatanong na ang mga tsimosang kapibahay namin.  Naisip ko tuloy na hindi habambuhay ay ganito na lang ako.  Parang gusto ko nang paghandaan ang araw na tapos na ang aming relasyon at kailangang magsimula na ako ng bagumbuhay.  Mahal ba ako ng aking kinakasama?  Ang sabi niya ay makikipaghiwalay siya sa kanyang tunay na asawa.  Pero, iba na ang nangyayari ngayon, ayon sa aking impormante.  Kung makikipaghiwalay ako, may binata kaya na magmamahal sa akin?  Maranasan ko kaya ang ikasal sa simbahan?
Umaasa,
Dina ng Barangay San Isidro, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May bilog sa unahang bahagi ng Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin nito “hindi pangkaraniwan” ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay kasalukuyan nang nangyayari at nagaganap sa iyong buhay, bilang kabit.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts, at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na ikaw ay kerida lamang ngayon, marami ka namang nagiging pera at marami ka pang mahahawakang pera o materyal na bagay na dapat mong sinupin, upang sa sandaling magkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo ngayon ay makapag-establish ka ng sarili mong yaman o magkaroon ka ng sariling financial stability.     ITUTULOY

Read more...