HOROSCOPE FEBRUARY 15, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Sabado ngayon! Tuloy-tuloy na dadapo ang suwerte kung pula ang isusuot na kulay. Sa kulay na pula, maraming pera ang matatanggap habang patuloy ding iinit ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red buenas din ang magenta.
 
Aries – (Marso 21-April 19)— Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa kung sa malamig at tahimik na silid nyo ito gagawin. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang bueanas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag kang umasa sa iba! Mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Ang magandang career na naghihintay sayo ay nasa ibayong dagat. Sa pag-ibig, higit kayong uunlad at magiging maligaya ng iyong pamilya kung sa abroad kayo maninirahan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dahli-Om-Umali.” Magenta at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hanapin ang mas malalim na katuturan ng huhay!  Wala sa limpak-limpak na salapi ang tunay na kaligayahan. Sa pag-ibig, sa pagtulong sa kapwa mararamdaman ang inner peace at complete happiness. Mapalad ang 1, 16, 25, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Naham-Om-Namo.” Lilac at violet ang buenas.
 Leo – (July 23 – August 22)— Ang lahat ng bagay ay lumilipas. Sa pinansyal, kusa mo ng malulusutan ang mabibigat na problemang may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, unti-unti na ring mawawala ang pagtatampo ng kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 1, 11, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pinansyal sa pangungulit kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung lagi mong pinaiiral ang hina ng loob! Mapalad ang 7, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at black  ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumrobema man sa pera, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aquarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Ituloy ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Libra sa kanya ka lubos na liligaya. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21)— Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga bagay na materyal! Sa pag-ibig, higit na payapa ang isip ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa ubod ng yaman na broken family naman . Mapalad ang 9, 19, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka kaiingitan kung mananahimik ka lang. Kapag nawala na ang mga naiingit sayo mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na huwag na rin siyang ma-angas at ma-epal! Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenan.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Habang bumibilog ang buwan dagdag na salapi ang matangap. Sa pag-ibig, higit na mas magiging masarap ang romansa kung gagawin ito habang bumibilog ang buwan sa langit! Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20)—Isang Virgo ang tutulong  upang masimulan na ang negosyong matagal ng binabalak. Sa pag-ibig, isang Scorpio na katabi mo lang, ang may lihim sayong pagnanasa – mag-ingat! Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.

Read more...