Abusadong employer lagot

PERSONAL na dumulog sa Akyon Line ang tatlong manggagawa upang isangguni ang mga umano’y nakikita nilang paglabag sa Labor Code ng kanilang employer.

Kabilang sa ini-rereklamo ng tatlo ay ang hindi umano makatwirang sanction o parusa na iginagawad sa kanila ng kanilang employer kahit sa maliliit na pagkakamali lang.

Sa salaysay ni Jay, breaktime noong lumabas siya sa kanyang trabaho at nagpunta sa bangko. Dahil sa haba ng pila ay hindi siya kaagad nakabalik sa trabaho. Atrasado siya ng 20 minuto nang siya ay makabalik sa trabaho.

Nagpliwanag umano siya sa kanyang boss at humingi ng paumanhin subali’t hindi siya pinakinggan. Bilang parusa ay sinuspinde siya agad-agad ng isang buwan.

Labis na ikinagulat ni Jay ang kapasyahan ng amo na aniya’y hindi makatarungan.

Aminado si Jay na may nagawa siyang pagkakamali ngunit hindi naman aniya tama ang isang buwang suspension.

Ganito rin ang kwento ng dalawa pang kasamahan ni Jay na sinuspinde rin ng kanilang amo sa maliit na pagkakamali.

Sa salaysay ng tatlo hindi lamang sila ang ginawan ng ganitong kaparusahan kundi halos lahat ng kanilang mga co-workers.

Ang isang buwang suspension anila ay sobrang pahirap sa kanila dahil nangangahulugan ito na wala silang suweldo na maiuuwi sa pamilya sa isang buwan. At sadyang napakahirap nito para sa kanila at kanilang pamilya.

Bukod dito, reklamo rin nila ang hindi pagbibigay ng employer ng kanilang 13th month pay noong Disyembre, 2013 at hindi pagreremit ng kanilang SSS contributions gayung ikinakaltas naman ito sa kanilang sahod.

Hindi rin umano inire-remit sa SSS ang mga deduction sa kanilang suweldo para sa kanilang loan.

Kwento ng tatlo hindi naman nalulugi ang kanilang employer dahil maganda ang takbo ng negosyo nito.

Lumapit sila sa Aksyon Line para malaman kung anong mga karapatan nila laban sa kanilang malupit na employer; at kung ano ang maaari nilang gawin upang matigil ang mga pang-aabusong ito.

Nakiusap naman ang mga nasabing manggagawa sa Aksyon Line na huwag munang ilathala ang kanilang pagkakakilanlan at huwag munang pangalanan ang kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan sa takot na mapag-initan at tanggalin sa trabaho.
(Itutuloy)

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t

 

Read more...