Marian kulang sa ‘L’; kabog na kabog ni Jennylyn sa akting


May nakapansin na mas lutang ang character ni Jennylyn Mercado sa soap niya kaysa sa role ni Marian Something.
Napansin kasi ang acting ni Jen at markado talaga ito compared kay Marian na hindi masyadong complex ang character.

Actually, kung pinili raw ni Marianita ang Rhodora X ay baka mas napansin pa siya kaysa sa role niya bilang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Kulang daw kasi sa libog ang karakter ni Marianita.

Speaking of Jennylyn, hindi rin pala kinaya ng powers niya ang alindog ni Angel Locsin. Kung noong una ay halos maungusan na niya ang rating ng soap ni Angel, ngayon naman ay inilalampaso siya ng Kapamilya actress.

Nag-single digit na nga ang rating ng teleserye niya. But between her and Angel, mas magaling at mas may angst umarte ang Kapuso actress. Uniform acting kasi ang tingin namin sa acting style ni Angel.

O, ‘yung bayarang Facebook website tiyak na magre-react na naman diyan. Diyan naman kayo magaling palibhasa bayaran lang kayo at hindi kayo kilala sa showbiz, ‘no!

( Photo credit to Google )

Read more...