Kris: Kung ayaw mong pakialaman yung life mo, manahimik ka na lang!


Kung may dalawang bagay daw na natutunan si Kris Aquino sa buhay, ito ay ang pagiging mature at ang pagrespeto sa salitang privacy.

Sa 43rd birthday celebration ng Queen of All Media kahapon sa Kris TV, tinanong ng headwriter ng morning show si Kris na si Darla Sauler kung ano ang plano niya sa kanyang birthday, pero sa halip na sumagot nang mahabaan tulad ng nakasanayan na natin. nag-smile lang si Kris sabay sabing, “Regalo ko sa sarili ko ‘yon, privacy.

At hindi kita sasagutin.” Dugtong pa niya, “Maturity teaches you na kung ayaw mong pakialaman yung life mo, manahimik ka.”
Paliwanag pa ng TV host, “Ang utang ko lang sa dalawang tao na they should know what’s happening in my life, the only two people who deserve an explanation—si Kuya (Joshua) at si Bimb.”

( Photo credit to Google )

Read more...