RAIN OR SHINE KONTRA SAN MIG | Bandera

RAIN OR SHINE KONTRA SAN MIG

Barry Pascua - February 14, 2014 - 12:00 PM

KAPWA may nais makamit sa unang pagkakataon ang Rain or Shine at San Mig Coffee sa kanilang pagtutuos sa best-of-seven championship series ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup na magsisimula ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Maituturing na ‘fresh’ ang Elasto Painters dahil nagkaroon sila sa isang linggong pahinga matapos na talunin ang Petron sa limang laro lang sa semifinals.

Kahit naman umabot sa sukdulang pitong laro ang serye ng San Mig Coffee at Barangay Gnebra San Miguel ay  pakiramdam ng Mixers na nasa kanilang panig ang momentum papasok sa Game One ngayon.

Kapwa naniniwala sina Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao at San Mig Coffee coach Tim Cone na kailangan nilang mapanalunan ang Game One upang maidikta ang serye.

Si Guiao, na nagbabalik sa Rain or Shine bench matapos ang one-game suspension, ay naghahangad ng kanyang kauna-unahang All-Filipino title. Bilang coach ay nagwagi na siya ng kampeonato sa Swift, Red Bull at Rain or Shine subalit ang mga ito’y sa conferences na may import.

Sa kabilang dako, target naman ng San Mig Coffee ang unang back-to-back championship sa kasaysayan ng prangkisa.

Nagkampeon sila sa nakaraang Governors’ Cup. Dinaig ng Rain or Shine ang San Mig Coffee sa nakaraang dalawang seryeng pinagduweluhan nila.

Tinalo ng Elasto Painters ang dating B-Meg sa 2011-12 Governors’ Cup Finals para sa una nitong titulo sa liga.

Nakaulit ang Elasto Painters sa Mixers sa semifinals ng Philippine Cup noong isang taon. Sa kanilang natatanging pagkikita sa elimination round noong Disyembre 6 ay naungusan ng Elasto Painters ang Mixers, 86-83.

Ang Rain or Shine ang pinakamainit na koponan sa torneo at nagwagi ng 12 beses sa huling 13 laro. Sa katunayan, ang Elasto Painters ay nagtala ng 10-game winning streak. Subalit hindi na iniintindi ni Guiao ang record na iyon dahil alam niya na iba na ang labanan sa Finals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending