Siya pa rin sa puso (2)

Sulat mula kay Merlinda ng Bag-ong Lungsod (Poblacion), Tandag City
Problema:  
1.     DAHIL sa mahalay na text ng babae ay natapos at natuldukan ang maganda ang mahabang relasyon namin ng boyfriend ko.  Sayang dahil tahimik at masaya kami ng boyfriend ko at tanggap na kami ng mga magulang namin.  Pati mga kaibigan namin ay masaya na sa itinatakbo ng aming relasyon.  Isang araw ay nakita ko ang boyfriend ko na nagte-text at lumalayo siya habang lumalapit ako.  Hindi ako gumawa ng eksena at hindi ko na siya nilapitan.
2.    Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay tiningnan ko ang nilalaman ng “sent” ng cell phone.  Mahalay ito.  Hanggang sa nakita sila ng aking amiga at nag-eyeball na nga sila.  Nag-sorry siya nang sitahin ko.  Tinapos ko na ang relasyon ko sa kanya nang madiskubre ko na nag-date silang muli.  Ngayong Valentine’s Day ay nakikipagbalikan siya at ayaw ko na.  Pero sa puso ko ay siya pa rin ang laman nito.  Hindi ko maintindihan ang aking damdamin.  Tatatanggapin ko ba siya?
Umaasa,
Merlinda ng Bag-ong Lungsod (Poblacion), Tandag City
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
  Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos mong makipag-break sa boyfriend mo ay hindi na kayo magkakabalikan. Isang lalaking Capricorn, ang manliligaw sa iyo at sasagutin mo. Ang ikalawang boyfriend mong ito rin ang iyong makakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing matapos mong makipag-break sa dating boyfriend mo ay magkakaroon ka ng boyfriend na isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29. At siya na ang makakatuluyan mo.
Graphology:
Ang lagda mong mapangit ang simula pero gumanda na rin sa gitna hanggang sa dulo ang nagsasabing matapos kayong maghiwalay ng ex-boyfriend mo ay magiging maligaya ka sa ikalawang pakikipag-boyfriend.
Huling Payo at Paalala:
Merlinda, ayon sa iyong kapalaran, hayaan mo nang tuluyang mawala o tuluyan na kayong mag-break ng boyfriend mo. Ang totoo nito, kahit magkabalikan ay hindi ka na sasaya sa kanya. Ngayon pa lang ay mas makabubuting limutin mo na siya. Sa iyong ikalawang pakikipag-boyfriend na darating ngayong taon, sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, ay habambuhay kang magiging maligaya.

Read more...