HOROSCOPE, February 14, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Bakit ganoon, kung sino pa ang may birthday ngayong Araw ng mga Puso, siya pa ang bigo sa pag-ibig? Talagang ganoon hangga’t hindi mo natatagpuan ang isang Libra na may birth date na 5, 14, at 23, hindi ka liligaya. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at magenta ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, tatabo ka ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at sa mga gamit na ginagamitan ng kuryente. Sa pag-ibig, sa isang unipormadong nilalang ay matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —Sa pinansiyal, huwag kang magpatangay sa magastos na pagdiriwang ng Valentine’s Day. Tipid pa rin ang kailangan para pamilya. Imbes na manood ng sine ay yayain ang kasuyo sa tahimik na silid  at manood na lang kayo ng DVD. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi pangmatagalan ang sayang nararamdaman ngayon— ang lahat ay lumilipas nang kusa. Ganoon pa man, ngayong kasama mo siya ay saidin nang lubos ang ligaya. Sino ang nakakaalam kung makakaulit pa kayo? Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om-Umaran.” White at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag intindihin ang sinasabi ng iba, ang mahalaga ngayong araw na ito ay mapaligaya mo ang iyong kasuyo. Sa pinansyal, isang Scorpio ang maaari mong malapitan upang mautangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Huwag mabuhay sa pangarap, bigyan ng aksyon at pagkilos ang anumang iniisip. Kapag naisagawa ang lahat ng iyong binabalak, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, aksyon ang dapat upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ipakita mo na iba ka sa lahat! Kung sila ay tatlong rosas ang bigay sa babaeng minamahal, isang bouquet na roses ang ihandog sa kasuyo.  Kung ikaw ay isang babae, ipakita mo ring iba ka sa lahat, abutan ng tatlong balot ang kasuyong mahina na ang tuhod. Mapalad ang 5, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ngayong Valentine’s Day ay ipagluto ng masarap na pagkain ang kasuyo upang lalong uminit ang pagmamahalan. Hindi baleng mahal ang rekado, ang mas mahalaga ay hindi makakalimutan ng kasuyo ang masarap na menu  na inihanda mo para sa kanya. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra Om.” Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema ay giginhawa ka na rin! Sa susunod na buwan ay unti-unti na uling dadami ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin kesa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Samantalahin ang pagkakataon— ang magandang kapalaran ay paparating na. Sunggaban ang pagkakakitaang inaalok ng isang Aries. Sa pag-ibig, huwag nang ipagpaliban pa ang magagawa ngayon—romansahin ang kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Para maiba naman, maghanap ng isang romantiko pero mumurahing restaurant at duon mag-dinner date. Ngayong Araw ng mga Puso, kahit mura lang ang regalo, kung galing naman sa puso ay nakakikilig na rin ito sa pagbibigyan.  Mapalad ang 4, o3, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, huwag pagdamutan ang kasuyo, Valentine’s Day ngayon. Ibili siya ng tatlong pulang rosas. Kung ikaw ay babae, malaking bagay sa isang lalaki na bulungan mo siya ng “I love you” sabay kiss sa lips, habang medyo nakatingkayad ka pa.  Mapalad ang 4, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag kang mapagod sa paghihintay. Kung walang dumating ngayong Valentine’s Day, sa buwan ng Marso ay grande at bonggang suwerte ang mapapasaiyo na may kaugnayan sa pag-ibig at pinansyal. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jhana-Om-Nama.”  Gray at green ang buenas.

Read more...