What really touched my heart was Pangga Duncan Ramos. Hayup sa pagka-pro ang mahal nating baby na ito. Nobody knew na merong matinding pinagdadaanan si Pangga Duncan dahil hindi mahalata sa performance niya na sobrang lungkot at worried niya. Galing siya kasi sa hospital dahil inatake sa puso ang ama niya at nasa ICU ito.
He left the hospital just for the show then right after ay takbo siya ulit pabalik don to attend to his sick dad. What a boy! I will never forget Pangga Duncan with this. Ibang klase ang pagka-professional niya. Tunay ngang despite some hitches, ika nga, “the show must go on!”
We’re all very happy with the outcome ng first concert namin sa The Library Metrowalk Ortigas at sunud-sunod na ito. Dito na kami magpapa-concert palagi dahil lahat ng staff ng venue ay sobrang maasikaso at mabait ang may-ari. Matagal na naming mahal si Mamu Andrew de Real at ibang klase siyang magpahalaga.
To everyone who took part sa “Book of Love” concert namin, maraming-maraming salamat po from the bottom of our hearts. God bless.