TIMES have changed; parang climate change.
Kung dati ay isang matinding ligawan ang ginagawa ng lalaki para makuha ang matamis na oo ng babae – ngayon, nadadaan na ito sa isang pisong text.
At kung inaabot ng buwan o taon ang pagtitiyaga ni boy para makahalik man lang kay girl, ngayon, isang MOMOL (making out-making out) ang katapat ng eyeball.
Kahit ang panlasa at standards ng Pinoy macho, nagbabago na rin so for this day of hearts, we ask some of the male stars opinion kung may importance pa sa kanila ang virginity ng kanilang girlfriend or mapapangasawa.
Here are 10 eligible bachelors answering the survey question.
RALPH FERNANDEZ: May virgin pa ba sa mundo? Para sa akin bonus na lang yun. At bonus din kung pinapangahalagahan pa rin ito ng magiging girlfriend ko.
JERIC GONZALES: Oo naman… Siyempre iba pa rin yung alam mo ikaw lang yung lalaki na una and alam mo na sayong-sayo lang siya.
MARK HERRAS: Kung maaari, maganda sana kung puwede. Kaso, mahirap na ring mag-expect kaya kung hindi na, hindi na rin ito big deal for me.
DION IGNACIO: Hindi na. Ang mahal ko, minahal ko kahit ano ang mangyari at tinanggap ko siya kaya hindi na malaking factor ito para sa akin.
TEEJAY MARQUEZ: Bonus lang na ito kung saka-sakali. Kung hindi naman kasi okay lang dahil hindi mo naman agad masasabi kung sino ang virgin at kung sino ang hindi.
KRISTOFFER MARTIN: Not important for me. As long as mahal ko yung girl, it will not matter.
ROCCO NACINO: It doesn’t matter to me. What’s important is that person in and out and of course the relationship.
RJ PADILLA: Sa generation namin, hindi na uso yan. Sana mauso ulit pero kung hindi okay lang kahit ang mapapangasawa ko ay hindi na rin virgin.
ENZO PINEDA: Sana. Pero open na ako, sa panahon ngayon, mahirap na rin namang mag-expect lalo na kung mahal mo naman.
PYTHOS RAMIREZ: Of course. I’m also a virgin so I still value virginity. Ayoko naman yata na may iba nang ‘tumikim’ sa pakasalan ko kung ako mismo virgin pa, hindi ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.