Piolo pinayagang gumawa ng pelikula ang anak, pero bawal magpa-interview

PIOLO AT IÑIGO PASCUAL

Speaking of Piolo, nakakuwentuhan naman namin siya tungkol sa first film ng anak niyang si Iñigo, ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Hindi raw porke may movie na si Iñigo ay pinayagan na niya ang anak na tuluy-tuloy pumalaot sa showbiz.

“Pinayagan ko lang kasi he was here during summer last year and I only accepted the part for him just as long as there is no promo, no on-cam na promo. Kasi gusto talaga niya, e. Pero sabi ko, sige, compromise. He’ll do it but he won’t promote it,” paliwanag ni Piolo.

Usapan daw nila kapag 18 na si Iñigo saka niya ibibigay ang blessing sa anak na mag-showbiz. Sa ngayon, 16 pa lang si Iñigo.

“Kailangan lang niya sa school. He’s getting into film, hindi talaga filmmaking but he’s getting into Theater Arts, so, kailangan niya ng credit points to get scholarship kaya ako pumayag,” diin ni Piolo.

Napanood na ni Piolo ang movie and we asked him sino ang mas gwapo sa kanila ng anak niya sa screen, “Mas pogi ‘yung anak ko,” proud na sabi niya.

But of course, many will beg to disagree kay Piolo lalo na kapag napanood siya sa “Starting Over Again.” Halos walang bahid ng make-up si Piolo kapag close up ang kuha niya sa screen. Kaya tinanong namin siya kung ano ang ginawa niya sa kanyang mukha’t gumuwapo siya ng husto ngayon.

“Nagparetoke!” kasunod ang malakas niyang tawa. “Hindi, magaling lang mag-ilaw ‘yung cinematographer namin sa movie. Mas matagal pa ‘yung mga set-up kesa sa take.”

Read more...