Marian naiskandalo na naman, pati si Virgin Mary nadadamay

MARIAN RIVERA

THERE’S one Facebook fan page account na dedicated kay Marian Something and we feel that the operators of the said account are trying their best to please their idol.

Nothing wrong kaya lang sana ay magdahan-dahan naman sila. ‘Wag naman pati si Virgin Mary ay gamitin nila sa pagkukumpara.

Just recently, the operators of the said site posted two photos – that of Marian and that of the Virgin Mary – with this caption: “Any resemblance?”

Marami ang nag-comment na magkamukha nga ang dalawa sa shot nilang iyon but the comparison still leaves a bad taste in the mouth.

Nobody should be compared with the Virgin Mary. For one, she’s HOLY. Anybody who will be compared to her will surely pale in comparison.

Bilib din naman kami sa fans ni Marian. Gagawin nila ang lahat para lang maiangat ang kanilang idolo.

While it may be true na the operator just wanted to point out na medyo magkahawig si Marian at ang Virgin Mary, still hindi dapat ginawa ‘yon. Sa paningin namin ay para n’yo na ring binastos ang Virgin Mary, ‘no!

Ano ba itong mga fans ni Marian, lahat yata gagamitin para lang mai-push ang kanilang idolo. Wala na silang sinasanto, pati ang isang sacred and holy personality ay kanilang ginagamit. Nakakahiya kayo, ‘no!

Read more...