Siya pa rin sa puso

Sulat mula kay Merlinda
ng Bag-ong Lungsod (Poblacion), Tandag City
Dear Sir Greenfield,
Sa pamamagitan ng mahalay na text ng babae, natapos at natuldukan ang maganda ang mahabang relasyon namin ng boyfriend ko.  Sayang at tahimik pero masaya na kami ng boyfriend ko at tanggap na kami ng kapwa mga magulang namin.  Pati mga kaibigan namin ay masaya na sa itinatakbo ng aming relasyon.  Isang araw, nakita ko ang boyfriend ko na nagte-text at lumalayo siya habang lumalapit ako.  Hindi ako gumawa ng eksena at hindi ko na siya nilapitan.  Nang magkaroon ako ng pagkakataon, tiningnan ko ang nilalaman ng “sent” ng cell phone.  Mahalay ito.  Hanggang sa nakita sila ng aking amiga at nag-eyeball na nga sila.  Nag-sorry siya nang sitahin ko.  Tinapos ko na ang relasyon ko sa kanya nang madiskubre ko na nag-date silang muli.  Ngayong Valentine’s day ay nakikipagbalikan siya at ayaw ko na.  Pero, sa puso ko ay siya pa rin ang laman nito.  Hindi ko maintindihan ang aking damdamin.  Tatatanggapin ko ba siya?
Umaasa,
Merlinda ng Bag-ong Lungsod (Poblacion), Tandag City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Posibleng hindi na kayo  magkabalikan ng ex-boyfriend mo at kahit na kayo magkabalikan, malamang na mag-break din kayo, ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Pansining magulo at biyak ang unang Marriage Line arrow 1., habang maganda at maayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin, hindi ang unang boyfriend ang makakatuluyan mo, kundi ang ikalawa mong boyfriend na paparating pa lamang.
Cartomancy:
Five of Hearts,  Four of Hearts, at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang susunod mong boyfriend ay higit na mas bata sa iyo ng apat na taon ang edad kung saan, maikilala mo siya sa iyong pinapasukang trabaho, kompanya o sa inyong opisina.
Itutuloy….

Read more...