HOROSCOPE, FEBRUARY 13, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Panindigan ang anomang sinabi! Sa pinansyal, hindi dapat magpabago-bago ng isip.  Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako  – mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.   
 
 
Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga parin! Ang pinakamabuting gawin ay  mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
 
 
Taurus – (April 20-May 20)—Habang pabago-bago ang panahon may bahagyang karamdamang maranasan. Sa pag-ibig, ngayon palang palakasin na ang katawan, upang kapag napasabak sa matinding romansa bukas – may itagal ka sa laban. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)— Sa pag-ibig, ngayon palang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop ang sabaw upang lumakas ang kanyang tuhod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop  at matipid. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Sa pinansyal kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Wag ka kasing utang ng utang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang  kinakapos, ang kasuyong Aries na lang ang hiraman ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.

 
Virgo – (August 23 – September 22)— Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.
 
 
Libra – (September 23-October 23)—Wag kang umasa sa iba. Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagsisikap. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste yan, wala kayong paki-alam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag manghinayang sa mga bagay na wala sayo, ikalulungkot mo lang yan. Palaguin ang hawak na salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa tubig. Sa pag-ibig, ngayon palang ihanda na ang isusuot sa Araw ng mga Puso bukas.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Agla-Aum.” Blue at white ang buenas.

        
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyong nagkasala, upang kapag ikaw ang gumawa ng mali, patatawarin ka rin niya. Sa pinansyal, pautangin ang mga nanghihiram upang kapag ikaw naman ang nagipit mayroon kang malalapitan. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin mong Valentines day na bukas. Kapag lagi kang masaya, mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 4, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag umasa sa suwerte, sa pag-ibig sundin ang tinitibok ng puso! Sa buwang ito ng Pebrero gagabayan ka ng iyong emosyon upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig tuloy ang lihim na pakikipag-romansa sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat sa Diyos. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi sabihin sa kasuyo, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Read more...