Relasyong Billy-Coleen makakarma dahil sa pagsisinungaling


Mukhang nagiging habit na nina Coleen Garcia at Billy Crawford ang panonood ng basketball games. The two were spotted recently watching the match between Ginebra Kings and San Miguel.

At nagpakuha pa sila ng photo kasama ang mga basketball players sa dugout. Kasama nga nila si Rayver Cruz sa photo na inilabas ng isang sikat na website.

Anyway, marami pa rin ang naloloka sa dalawa kasi hindi pa sila umaamin sa kanilang relasyon. Nasa ligawan stage pa lang daw sila according to Billy, something na mahirap paniwalaan dahil palagi nga silang magkasama bukod pa sa may chismis na itong si Coleen ay madalas na tumambay sa condo unit ni Billy sa Libis.

Baka naman aamin lang sila kapag naghiwalay na? Naku, wag naman sana, pero ‘yang mga ganyang drama nila na ayaw magpakatotoo, karma ang katapat niyan.

( Photo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Read more...