CHICAGO — Nagtala si Joakim Noah ng triple-double para buhatin ang Chicago Bulls laban sa Atlanta Hawks, 100-85, sa kanilang NBA game kahapon.
Kumamada si Noah ng 19 puntos, 16 rebounds at 11 assists habang si Taj Gibson ay nagdagdag ng 24 puntos at 12 rebounds para sa Bulls, na may anim na manlalaro na umiskor ng double figures.
Ang Chicago ay nanalo ng apat na diretso laban sa Hawks at anim na sunod sa kanilang homecourt kontra Atlanta.
Ang Hawks ay nakalasap naman ng season-high na apat na sunod na talo.
Itinala naman ni Noah ng ikaapat na career triple-double at kauna-unahan magmula noong Pebrero 28, 2013.
Ang Chicago (26-25) ay nanalo sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro at umangat ng kalahating laro sa Atlanta (25-25) sa Eastern Conference.
Si All-Star forward Paul Millsap ay umiskor ng 15 puntos para sa Hawks subalit ang kanyang streak na apat na laro na may 10 rebounds ay naputol. Nag-ambag naman si Lou Williams ng 13 puntos habang si Jeff Teague ay nagdagdag ng 12 puntos.
Bobcats 114, Mavericks 89
Sa Charlotte, N.C., gumawa si Al Jefferson ng 30 puntos habang si Anthony Tolliver ay nagdagdag ng 22 puntos para pamunuan ang Charlotte Bobcats sa panalo laban sa Dallas Mavericks.
Ang Bobcats ay natalo sa 17 sa 18 laro laban sa Mavericks subalit umiskor sila ng 60 puntos sa paint at tinapatan ang season-high nito na 12 3-pointers para wakasan ang five-game winning streak ng Dallas.
Tumira si Tolliver ng 5 of 6 mula sa 3-point range para sa Bobcats na tumira ng 12 of 24 mula sa rainbow territory.
Si Jefferson ay tumira ng 14 of 23 mula sa field at umabot sa 20-point plateau sa ika-14 pagkakataon sa 15 laro.
Nagkaroon naman si Dallas forward Dirk Nowitzki ng sprained left ankle sa second quarter subalit nagbalik sa second half at nagtapos na may 16 puntos.
Si Josh McRoberts ay nag-ambag ng career-high 13 assists at siyam na puntos para sa Bobcats (23-29).
AP PHOTO
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.