Vice matindi ang tampo kay Karylle


Going back to showbiz news, natutuwa kami na nakabalik na sa Eat Bulaga si Wally Bayola.  Halos sabay silang nag-emote ni Karylle (sa Showtime naman), na nagpahayag naman ng pagbabakasyon sa show dahil magpapakasal na nga siya kay Yael Yuzon.

Of course, masaya din kami sa dear chika girl naming si Kaye dahil finally, siya na ang nag-confirm ng pag-iisang dibdib nila ng band vocalist na last year pa napabalita matapos itong mag-proposenag-propose.

Medyo nagtataka lang kami sa naging observation ng mga tao kung mayroon daw bang samaan ng loob sina Vice Ganda at Karylle dahil parang dinededma daw ng una ang aktres-TV host.

Wala si Vice nang mag-announce si Karylle though she thanked Vice for being a good co-worker.  Nang panoorin naman namin last Monday and Tuesday ang show, though napansin nga naming bihira silang magtabi, kumpara sa bantering ni Vice kina Anne Curtis at Billy Crawford, hindi nga sila ganu’n kadaldal sa isa’t isa.

Sa Eat Bulaga naman, ingat na ingat mabanggit ang pinagdaanan ni Wally at natawa pa nga kami sa placard ng isang dabarkads na naghahanap ng “explanation” sa ginawa ng comedian-TV host.

Doon nga namin nakita ang malaking pagkakaiba ng “humor” nina Vice at Jose Manalo dahil kung si papa Vhong Navarro (and others) ay napagtitripang gawing katatawanan ni Vice, si Jose ay halatang ilang na ilang magbitaw ng joke sa kanyang partner.

( Photo credit to Google )

Read more...