Xian nag-sorry kay Bea Binene, binigyan ng bulaklak at sulat


Maraming natuwa sa ginawang pagpapakumbaba ni Xian Lim. Marahil ay talagang apektado pa rin ang binata sa kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan.

Hanggang ngayon ay sandamakmak pa rin ang nang-ookray kay Xian dahil sa pambabastos niya sa kalokalike ni Kim Chiu sa programang Banana Nite noong Chinese New Year.

Kahit na nga humingi na siya ng sorry through his Twitter account ay ayaw pa rin siyang tigilan ng ilang bashers, kabilang na nga ang mga fans ni Bea Binene.

Nadamay si Bea sa issue dahil sa pakakabanggit ni Xian sa pangalan niya sa Banana Nite. Aniya, mas kamukha raw ni Bea ang kalokalike ni Kim sa paraang nakaka-offend daw.

At dahil nga ayaw siyang tigilan ng mga bashers sa social media na nagsasabing napakabastos at napakayabang niya, gumawa na siya ng paraan para magkapag-sorry sa Kapuso young actress.

Binigyan niya ito ng bouquet of flowers na may letter pang kasama. Ipinost naman ni Bea ang mga ito sa Instagram. Narito ang kabuuan ng sulat ni Xian:

“Hi Bea!
“I just want to apologize for what happened during Chinese New Year. I want you to know na I didn’t mean it as an insult noong banggitin ko ang pangalan mo. Thanks po for understanding & sorry for everything.

“Xian Lim”.

Ito naman ang reply ni Bea, “I was surprised when I saw this when I got home. Thankyou, @xianlimm! You don’t need to give me these, but still, you did. God bless you! :)”

( Photo credit to Google )

Read more...