Hulog sa SSS kulang | Bandera

Hulog sa SSS kulang

Lisa Soriano - February 12, 2014 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,

Pagbati ng maluwalhati sa inyong Aksyon Line, sumulat po ako sa inyo sa kadahilanan tungkol sa aking SSS contributions.

Empleyado po ako ng Universal Robina Corporation nagumpisa po ako taon 1977 ng Marso hanggang 1989 October.

Nagpamanual verification po ako at ang resulta ay 43 months lang po ang aking contributions ang paliwanag ng Robina kung magfile ako ng retirement benefit saka na lang certify yung aking contributions hanggang 1989.

Gusto ko na po magfile ng retirement pero ang sabi sa akin SSS Imus branch hulugan ko muna yung mga kulang ko.

Naguguluhan po ako sa ganitong sistema, paano po ba ang tama kong gagawin?

Maraming
salamat po
Federico Roque Jr.
SSS# 03-4207060-4

Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Federico Roque Jr. hinggil sa kanyang buwanang hulog at pag-file ng retirement claim.

Ang resulta ng manual verification ay na-ngangahulugan na 43 buwanang kontribusyon lamang ang naihulog ng kanyang employer na Universal Robina Corporation.
Ito lang ang bilang ng kontribusyon na naisumite at nakatala sa aming rekord.

Aming pinapayuhan si G. Roque na ipagpa-tuloy ang pagbabayad ng kanyang buwanang kontribusyon upang makumpleto ang required na 120 buwanag hulog para makatanggap ng lifetime pension.

Nais naming ipaalam kay G. Roque na siya ay may loan balance pa na nagkakahalaga na ng P62,972.46 habang ginagawa ang sulat na ito.
Ito ay kanyang inaply noong Hunyo 15, 1989 sa halagang P6,000. Subalit dahil hindi niya ito nabayaran sa loob ng dalawang taon, ito ay nagkaroon ng penalty at interest.

Amin din siyang pinapayuhan na kanyang bayaran ang nasabing loan nang sa ganoon ay hindi ito ibawas sa kanyang final benefit claim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni G. Roque. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending